ALAS KWARTO by SUPER GULAMAN

…alas-kwatro pa lang ng umaga ngunit tila ba gising na gising na ang aking gunita sa pag-iisip sa mga bagay na aking nakatakdang gawing sa buong mag-hapon…katulad ng nakagawian, laging sinisumulan ang umaga sa usal ng panalangin…panalangin ng pasasalamat para sa mga nakalipas na panahon at mga biyayang ipinagkaloob, at panalangin ng pag-gabay para sa itinakda ng pagkakataon at sa babaeng mamahalin ko sa habang panahon, ang aking Grasya… matapos ang saglit na iyon, konting kape lang, saglit na pagligo at paghahanda, walang almusal… handa na akong pumasok sa opisina… …hindi ko talaga naging ugali ang kumain pagkagising sa umaga…nagpapalipas talaga ako ng ilang oras bago lagyan ng laman ang tiyan…siguro dahil iyon ang nakasanayan ko… mabuti nga ngayon at kahit papano nakakapag-almusal na ako…hindi katulad noong nasa kolehiyo pa ako…kape lang sa umaga….hamburger at iced tea lang sa tanghalian at wala na… hindi ko talaga lubos maisip kung paano ko(namin) nalampasan ang lubhang kahirapan ng buhay… anim kaming magkakapatid… noong mga panahong iyon, dalawa kami ng ate ko na nasa kolehiyo, tatlo sa high school at isa sa elementarya…. wala naman trabaho ang nanay ko at sya lang kasi ang talagang umaasikaso sa amin…isa lang ang kumakayod sa amin noon…ang tatay ko bilang isang kargador sa palengke… magkano ba ang kinikita ng isang kargador sa palengke upang lakas-loob nyang pag-aralin ang anim na anak ng sabay-sabay… ito ang pagkakataon na gusto kong ipagmalaki sa buong mundo… na kahit magkanda-kuba na siya sa kakatrabaho, pinilit niya na igapang kami para lamang makapagtapos… at sa kanyang pagpapanaw, may kwento akong maibabahagi at maipagmamalaki sa buong mundo at sa magiging anak ko…na ako ay pinagtapos hindi ng mayamang tao kundi ng isang marangal na kargador, isang ama na may paninindigan, pagmamahal at mataas na pangarap para sa kanyang anak…. …”ma! ito po ung bayad ko, pantranco!”…lulan ng jeep, papunta na ako sa opisina…mukhang maaga pa, kung kaya hindi ako sa Tomas Morato baba…susubukan kong maglakad simula pantranco hanggang Tomas Morato, baka sakaling pagpawisan at mabawasan ng bahagya ang timbang…sa aking paglalakad, hindi ko maiwasan na matunghayan ang mga bata na natutulog sa lansangan…naisip ko na maswerte pa din ako at hindi humantong sa ganito ang buhay ko…maswerte ako na kahit singkweta pesos lang ang baon ko noon at beinte-sais pesos na bahagi n’yon ay napupunta lang sa pamasahe…maswerte pa din ako at nakakain ako sa maghapon ng burger at iced tea… maswerte pa din ako at hindi ako namamalimos at nagtratrabaho sa kalye…maswerte pa din ako at may bahay na tagpi-tagpi akong inuuwian noon…maswerte pa din ako at kami ng mga kapatid ko na hindi kami pinabayaan ng aming mga magulang…maswerte pa din ako na sa mga pinagdaan namin nandito pa din kaming buo kasama ang ala-ala ng aking ama… …masasabing mas maayos na ang buhay namin ngayon kaysa noon… ngunit hindi ko din naman masasabi na yumaman kami…dahil wala naman kaming yaman na maipagmamalaki…kung noon ay pinagtyatyagaan namin ng nanay ko na ipunin ang mga napupulot na tig-bente singko centavos para makabili kami ng tig-pisong kape at 1/4 kilong asukal… ngayon, kahit papano nakakapag-grocery na ang nanay tuwing sweldo…kung noon, ang baon na singkwenta pesos ay pinagkakasya ko sa mag-hapon…ngayon may sarili na akong pera na pambili ng nais ko…kung dati-rati wala akong contact number, ngayon may dalawa akong cellphone at landline pa…kung dati-rati pinagtyatyagaan ko ang mga lumang sapatos na bigay ng pinsan ko…ngayon bumibili na ako ng khit anung gusto ko…kung paanong noon ay mataranta ang nanay sa twing magkakasakit ang isa sa amin dahil wala kaming pangpagamot, ngayon may mga bahagi ng pera na nailaan pra sa medical plans…kung dati-rati na kumakalam ang sikmura dahil sa hindi tamang oras ng pagkain at kawalan nito, ngayon sumasakit pa din dahil sa sobrang kabusugan…kung dati-rati wala akong natatanggap na regalo tuwing pasko..ngayon wala pa din…pero ngayon ako na ang nagreregalo… masasabi kong mas maayos na ang buhay namin ngayon dahil may laban na kami sa hamon ng buhay…at ito ay ang edukasyon at ang kamulatan sa mundo na biyaya mula sa aking ama… minsan ang dami nating reklamo sa buhay…hindi tayo makuntento sa bagay na meron tayo…angal tayo ng angal na luma ang cellphone natin, hindi flat-screen ang monitor ng PC, walang laptop, sawa na sa pag-tataxi dahil walng kotse, naiinis dahil nescafe lng ang iniinom at hindi galing starbucks…mabuti nga tayo ay meron…paano ang mga wala? …mapalad pa din tayo… oo mapalad ka, ikaw, tayo…Kung nababasa mo ito, napakaswerte mo…ibig sabihin hindi ka naghihirap katulad ng mga batang natutulog sa lansangan… …ngunit, nasaan na ba ako ngayon? mukhang nalalayo na ako sa kahapon…pero nandito pa din ako at nakatayo…handang harapin ang mundo at bawat hamon nito…handang suungin ang susunod na yugto…kasama ng susunod na pagbabago…ang pagbuo ng sariling pamilya kapiling ang Grasya ko…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s