BALANSE ni SUPER GULAMAN

 

…ang susunod po na aking ibabahagi ay batay sa laman ng aking imahinasyon at malayong-malayo sa aking tunay na paniniwala…
…pamilyar na po ba tayo sa konsepto ng “rationality”… ang konseptong nagbibigay buhay sa lahat ng ideya… ang konseptong dahilan ng mga batas sa mundo… ang konseptong nagpapataas sa uri ng tao kumpara sa ibang hayop sa mundo… ang konseptong nagdedetermina ng tama at mali… ang konseptong naging dahilan ng maraming tanong…ang konseptong dahilan ng maraming sagot na hindi mo alam kung tama o mali…ang konseptong naging ugat ng katalinuhan ng tao na sumusira sa balanse ng mundo… ang konseptong dahilan kung bakit ka tinawag na tao…

…isa nga bang biyaya ang “rationality” para sa tao? o ito ba ang maaaring maging dahilan ng pagkasira mo, tao?… kung wala ang “rationality”, ano na kaya ang naging kalagayan ng tao? ano na kaya ang nangyari sa mundo?… siguro wala na ang kasamaan… pero wala na din ang kabutihan.. malaya kang gagawin ang iyong gusto… ang lahat ng iyong nanaisin ay iyong makakamit… walang problemang iisipin at magiging ganap ang iyong kalayaan… hindi mo na sasabihin na masama ang pagpatay ng kapwa upang mabuhay dahil hindi na uso ang pagdadahilan… hindi mo na rin iisipin ang mga bagay na ito katulad ng ginagawa mo ngayon… hindi mo na din malalaman kung mali o tama ang iyong ginagawa at tanging puso mo na lamang ang iyong magiging armas para mabuhay… mawawala na din ang mga batas at mga parusang nababawal sa iyo na gawin ang mga bagay na nanaisin mo…at sa pagkakataong ito hindi masisira ang balanse nag mundo dahil ang lahat ng mangyayari ay naaayon sa natural na pamamaraan…

…ano na nga ba ang dala ng “rationality” sa tao?… nagkaroon ang tao ng kakayahan na malaman ang pagkakaiba ng tama at mali.. nagkaroon ng basehan para gawin o hindi gawin ang isang bagay… nagkaroon ng kaalaman para hindi masira ng tuluyan ang balanse ng mundo… at sa balanseng iyon, doon nagtatalo at nagbabanggaan ang konsepto ng duality, ang liwanag at dilim… ang tama at mali… ang masama at mabuti.. kailangan balanse, walang makakalamang… pero ano na nga ba ang meron sa mundo… ang sabi ng karamihan ng mga taong may matinong pag-iisip sa mundo, kailangan kabutihan ang mamayani… kaso paano na ang mga masasama? …paaano na ang balanse?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s