IKALAWANG GINTO ni SUPER GULAMAN

…matagal na din ang panahon na nakaraan ng simulan ko ang pagbuo sa blog na ito… taong dalawang libo’t pito sa unang araw ng buwan ng Marso ng simulan kong buuin ang blog na ito at lagyan ng unang entrada, isa itong panalangin… tama! halos dalawang taon na din ang nakalilipas… ngunit sadya yatang naging abala lamang ako sa ilang mga bagay-bagay at hindi ko ito ulit napag-ukulan ng pansin…lumipas ang halos isang taon bago ko ulit malagyan ng bagong entrada…ang totoo nyan taong dalawang libo’t walo sa ika-pitong araw ng buwan ng Perbrero na ng makapaglagay ako ng bagong kwento… pinilit kong magsipag-sipagan ng mga panahong iyon, ngunit sadya yatang makapangyarihan ang katamaran..wala ding nangyari at ang sumunod na entrada ay Agosto na ng nasabing taon… sa panahong ito, pinalitan ko na din ang pangalan ng aking blog mula sa MadalikasiAko.blogspot.com hanggang sa maging SuperGulaman.blogspot.com na ito…at ngayon nga isa na tayong ganap na SuperGulaman.com…
maaaring maitatanong ninyo kung bakit MadalikasiAko.blogspot.com ang naunang pangalan nito? at yun ay sa kadahilanang MADALI, ang aking apelyido… ibubulgar ko na ito… kaunti lamang ang may ganyan apelyido sa buong mundo at madali nyo akong matutunton… pero ayos lang dahil pagnagkita na tayo, uutangan ko na lang kayo… ang mga Madali ay tubong Romblon katulad ni NVM Gonzales (hindi ko sya kamag-anak)… ngunit magkagayun man hindi ko man lamang natutunan ang diyalekto nila dahil sa Kyusi (QC) na ako nagkaugat at tumubo… bagama’t mukhang imposible ninais ko pa din matutunan ang gintong diyalekto ng aking namayapang ama… sa ngayon, may ilang salita na akong natutuhan, at ito din ay mula sa tulong ng aking isa pang biyaya… ang aking pinakamamahal na Grasya…
…ikalawang ginto… ang sabi sa mga lumang kwento, ang mga nilalang na nagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo ay bibigyan ng mga ginto bilang isang regalo… sa mga kasal, “golden anniversary” ang kanilang taguri sa kanilang ika-limampung anibersaryo… at ngayon nga, ito na ang aking ika-isang daang entrada, ang pagdiriwang ng ikalawang ginto ng aking mga entrada… nakakatuwang isipin na umabot na ako sa aking ika-isang daang entrada sa kabila ng aking katamaran…at sa pagkakataong ito’y dalangin din na sana ay hindi na ako dapuan ng sakit na “katam”…nawa’y magpatuloy ang aking kasipagan kung kasipagan man itong maituturing…

…sa mga naging bahagi ng blog na ito, nais ko kayong pasalamatan…ngunit hindi ko na din babanggitin ang inyong mga pangalan dahil baka ako ay may mawaglit at ito ay magdamdam… sa lahat ng mga mambabasa at kapwa blogero’t blogera…maraming-maraming salamat po sa pakikibahagi sa mga imahinasyon at buhay ni SuperGulaman…

Hayaan ninyo’t patuloy pa sa paglipad ang superhero ng masa, tara na at sumama…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s