SI KAPITAN SINO AT ANG AKING SPAGHETTI

itong mga nakaraang araw eh wala akong tigil sa paghahanap ng libro ni bob ong, ang pinakabago niyang obra na pinamagatan KAPITAN SINO. anak ng bangus na malansa, sobrang hirap maghanap ng libro na ito. kung di dahil  kay batman eh di ko malalaman na may bago pala siyang libro. buti na lang ng pumunta ako ng Rob sa cainta eh may nag-iisa pa silang kopya na nakatago sa pinakalikod ng iba pang libro ni bob ong. excited nga ako sa libro kasi nasa jeep palang ako eh pinipilit ko na itong buksan pero di ako naging successful. gusto ko sanang ipagmayabang sa mga estudyante na kasabay ko sa jeepney na ako ay may bagong libro ni bob ong at wala na kayong mabibili kasi huling kopya na ito. pagdaing ko sa bahay eh agad ko itong binasa. nakakdismaya kasi hindi ako nagandahan sa mga unang pahina ng libro. sa totoo lang di naman ako talaga busying busy pero inabot ako ng apat na araw para sa isang tagalog na libro. pero yung mga huling parte ng libro ay maganda na kaya sulit naman ung 175php na ginastos ko. tanghali, kasabay ng kakatapos ko lang basahin libro ni bob ong eh nagcrave ako sa spaghetti. nakapagdecision ako na pumunta sa SM para bumili ng rekado at bumili na rin ng micro sd na adapter na sa kasamaang palad eh wala na sa cdr king at plastic cover paras a aking mga libro. pagdating ko sa bahay eh luto kaagad ako. ewan ko pero masarap ang luto kong spag ngayon. di lasang sabon ung beef at masarap ung fiesta na brand ng spag noodles. nakadalawang plato ng ako kaya lumulutang ang pakiradam ng tiyan ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s