WALA AKONG MEDYAS by SUPER GULAMAN

lunes ngayon…isang magandang araw para simulan ang buong linggo kung kaya kagabi pa lang maaga na akong natulog upang makapasok din sa opisina ng maaga… katulad ng nakasanayan ko alas-cuatro y media palang ng umaga ay gising na ako at nagsisimula ng gumayak…may mainit na din na kape na inihanda ang aking nanay…oo tama laging nauuna magising ang nanay ko, hindi ko matatalo ang record nya sa paggising ng maaga…nakasanayan na nya din yun dahil sya ang mistulang alarm clock ng tatay ko noon upang gisingin nya ito para pumasok sa trabaho…sa palengke nagtratrabaho ang tatay ko noon kaya alas-tres pa lang dapat handa na ang lahat…
maayos naman ang naging tulog ko, kumpleto o baka nga sobra pa…tinignan ko ang aking cellphone….”mmmmmhhhhh, anim na miskols mula kay Grasya”…syempre nagmiskol na din ako para sabihing, “mahal, gising na ako”…matapos ang matagal na paghigop ng kape, sinimulan ko ng ayusin ang aking gamit…brief, towel, panyo, damit, pantalon, sabon, deodorant, pabango, sumbrero at syempre pulbos…hindi ako nabubuhay ng walang J&J baby powder…wag kang matawa, totoo yan…halos kumpleto na ang aking gagamitin ng mapagtanto ko ang kulang…sapatos at medyas…tinungo ko ang lagayan ng aking mga sapatos…kinuha ang rubber shoes sa halip na leather ang gamitin ko… mas feel ko ang rubber shoes pangpasok sa opisina…kumportable…

naghanap na din ako ng medyas…

…takte! wala akong medyas na matino kahit isang pares…naghalungkat ako at halos gumuho na ang buong kwarto sa kakahanap ko…tinanong ko ang nanay ko kung nasaan na ang mga medyas…ang sabi nya nasa cabinet ko lang naman daw lahat… pero wala nga… at sa pagkakataon iyon tsaka lamang namin napagtanto na tinangay iyon ng aking magaling na kapatid…linggo ng gabi ng umalis iyon sasama daw sya ng kabarkada nya sa probinsya ng isang linggo… nagpaalam naman na aalis ngunit hindi nagpaalam para sa mga gamit ko…pero nagtira naman sya ng isang pares kaso ginamit na niya iyon at hindi nilabhan…takte na yan!…kinalma ko ang sarili ko at sinabing, “cge tsinelas na lang ang gagamitin ko pagpasok sa opisina”… oo nga pala ok lang naman ang pumasok dito sa aming opisina ng naka-tsinelas basta hindi ka lang magmumukhang pulubi…

sinimulang ko na ding hanapin ang aking tsinelas… takte! wala din!… at tanging ang mukhang pulubing tsinelas ng aking magaling na kapatid ang naiwan sa labas, ibig sabihin dinala nya din iyon… nasira na talaga ang maagang gising ko…namroblema na talaga ako…maaaring natatawa ka sa problema ko…pero paano ka naman papasok sa opisina ng walang sapin sa paa…takte na yan!

…masyadong malupit ang kapatid kong ito, pati ang nanay ko umuusok na din ang ilong sa galit…sobrang pasaway…hindi ko alam kung may koneksyon ang pagiging junior nito… na lahat yata ng masasamang gawi ng aking namayapang ama ay namana nya… una, tamad mag-aral, may utak naman.. elementary magaling sa klase may honor nga eh… pero grade 3 pa lng ito, magaling na sa tong-its…grade 5, sobrang husay na sa mahjong…ako nga eh hindi marunong nito…pati ang pagkapa sa pitsa sobrang husay…grade 6 pa lang wala ng inatupag kundi mambabae hanggang maka-graduate ng highschool, pangbabae pa din ang ginawa…pinapasok sya sa kolehiyo ng ate ko…humihingi sya ng pera para daw sa mga libro, pero ni isang libro wala akong nakita…unang semestre pa lang ng klase ilang libong piso na ang naiwaldas ng ate ko para sa kanya…kaso walang inuwing assignment kung pangalan ng mga babae, upos ng sigarilyo sa bulsa at botelya ng alak ang laman ng utak…kaya nung sumunod na taon istambay na lang sya muna…hindi pag-aaralin hanggang hindi tumino…sa ngayon hindi ko pa alam kung matututo sya ng leksyon…kailangan maging handa sya sa galit ko dahil sa pagtanggay nya sa aking personal na gamit…mabait akong kapatid, hindi naman ako nagagalit dahil wala akong magamit…nagagalit ako dahil kinuha nya iyon ng walang paalam… wag lang siyang magkakamali ng pagsagot sa akin at muli nyang matitikman ang aking malutong “rageful blow”.

pero yun nga no choice…kung kay kinuha ko ang rubber shoes, ginamit ko iyon ng walang medyas na suot at umalis na din ng bahay…sa jeep nagmuni-muni ako sa kasasapitan ko sa buong linggo pagwala akong medyas… kawawa ako nito baka mapuno ng paltos ang aking maselan na paa…

…sa opisina naman, isang pasaway na kliyente mula Hong Kong ang aking sinagupa…mantakin ba naman na magpagawa din sya report tungkol sa kanyang personality…takte! personality nga eh, anong alam ko sa personalidad nya, hindi naman kami close… pero wala akong magawa dahil ako na din ang gumawa ng mga company reports nya noon at regular client yun kung kaya pinagbigyan ko na din… habang ginagawa ko ang report nyang iyon, nakaisip ako ng solusyon sa problema ng nawawala kong medyas at tsinelas… naalala ko ang aking butihing estudyanteng kapatid na dadaan ng mall..dagli akong tumawag sa bahay at nagbilin na bilhan nya ako ng dalawang pares ng medyas at isang tsinelas sa aking paboritong botique…solve ang problema ko…

…bago pa man matapos ang alas-dos ng tanghali tapos na ako sa aking trabaho…maya-maya lang may nagpop-up na mensahe mula sa aking yahoo messanger…huwaw! ang aking grasya… at kahit medyo delubyo ang umaga ng araw na ito…nababawi naman ito ng aking pakikipag-usap kay Grasya…ngunit sa aming pag-uusap, biglang hindi na sya nakakasagot ng ilang minuto, paputol-putol ang aming pag-uusap..sinabi nya na naghahang ang gamit nyang laptop…gusto kong matawa ng oras na iyon dahil parang sinusukan ako ng pagkakataon…pero kahit papano naging mahaba naman ang aming kwentuhan… kaso nga lang tuluyan na din nawala ng koneksyon noong magpapalam na ako, hindi man lang ako nakakapag “I LOVE YOU”, nadisconnect na…. buhay nga naman ohh…

…ngunit magkagayun man, pinilit ko naman tumawag sa mobile phone ng Grasya para makabawi sa naputol na koneksyon…kaso busy ang linya…busy…busy… ibababa ko na sana saglit ang aking cellphone ng bigla itong mag-ring… mahaba ang ring… kala ko miskol lang… sobrang haba..sinagot ko na… ang Grasya yun, nag-alala din sya dahil hindi man lang din daw sya nakapag-paalam ng maayos…at hindi pa sya nakakapagbilin sa akin tulad ng “mag-iingat ka ha?, diretso sa bahay at pag nasa bahay ka na wag mong kakalimutan magmiskol”… at ang mga paalalang iyon ang isa mga dahilan kung bakit sobrang mahal ko sya…bukod sa matatamis na i love you… napasaya pa din nya ang buong araw ko ng sabihin nyang “Yet, umuwi ka na…alam kong lagi kang umuuwi ng maaga, hahanapin ka ng nanay mo pag-late ka umuwi, mamaya tumawag sa akin iyon at magsumbong na nambabae ka pa, eh na-late ka lang naman dahil nag-chat tayo…ahihihi”…aheks…

…nakakapagod ang buong maghapon na ito…ngunit natapos ko naman ito ng maayos at may ngiti sa labi… ibang klase talaga ang Grasya…laging nandyan siya para mapangiti ako at dahilan din iyon magkaroon ako ng magandang tiwala para sa kinabukasan…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s