GOLDEN RULE ni SUPER GULAMAN

mula ng magawa ko ang entry na “Time for Sale“, kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)…nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule…
malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito…ano nga ba ang golden rule?….ang sabi sa bible:

“Do unto others as you would want done unto you.” (Mt 7:12/Lk 6:31)

ang sabi naman sa Budismo:
“Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill” (Harris E.J. 1997)

…halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo:
“Never impose on others what you would not choose for yourself” (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton)

…maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya:

“Hurt no one so that no one may hurt you”

…marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa konsepto ng the Golden Rule at ang iba dito ay nakatala sa Powerdinamiks

Huwag mong gawin sa kapwa mo, ang ayaw mong gawin sa iyo.”…. tama hindi ba? at sa sentence na yan ay diyan ka sobrang familiar, pero hindi yan ang golden rule na tinutukoy sa bible kasi ang sabi, “Gawin mo sa kapwa mo ang gusto mong gawin sa iyo”… kitang-kitang naman natin na iba yung gawin (Do) sa huwag gawin (Don’t do)… pero kung naniniwala ka din sa Confucianismo walang kaso yun kahit anu pa dyan sa dalawang yan ang gusto mong i-consider na Golden Rule, ayus na ayus lang…

pero bakit naman ito tinawag na Golden Rule… wala naman golden na binanggit sa mga pangungusap na aking nabasa…kung sa value o halaga naman ng konsepto, bakit siya tinaguriang golden? ganun ba talaga sya kahalaga? bakit hindi na lang Diamond Rule at mahalaga din naman iyon?

ang totoo nyan, hindi naman ako salunggat sa konsepto ng Golden Rule… kasama kaya sila idol Thales at Pythagoras sa mga advocates nyan, gusto ko lang magdagdag para sa isang paliwanag para sa lahat…

ang konsepto ng Golden Rule ay talagang napakaganda para sa lahat, ngunit sa kabila nito merong ilang bagay ang nakakaligtaan… ang konsepto ng “diversity”…ang pagkakaiba ng bawat isa sa atin…

balikan natin ang sinabi sa bible: “Do unto others as you would want done unto you”… halimbawa, paano kung gusto natin kumain ng adobong baboy…at dahil sobrang fan tayo ng Golden Rule, binigyan natin ang isang kapatid na Muslim… sapalagay mo bibigyan ka din nya ng adobong baboy… oo siguro, dahil ibabalik nya yun binigay mo dahil hindi naman sila kumakain nun…ang masama dun, maaaring nainsulto mo din sya…tama hindi ba?

ang totoo nyan naghanap din ako ng solusyon sa drawback ng Golden Rule…at yun nga meron akong nakita…ang “Platinum Rule”… isa si Dr. Tony Alessandra sa advocate nito…ito ang isinasaad:
“Do unto others as they would want done to them.”

…at sa puntong ito, nai-konsider din ang diversity….mahalaga din kasi na gawin natin sa isang tao ang magandang bagay na dapat ay gusto din niya at hindi lang yung tayo ang may gusto…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s