KISAME ni SUPER GULAMAN

…matagal na din ang panahon ang nakalilipas na hindi ko ito ginagawa…naging masyado kasi akong abala sa pagtingin sa kawalan…sa paglalaro ng imahinasyon na tanging ako lamang ang nalilibang…tila iyon na yata ang aking nakasanayan…

…mula sa trabaho, pagsakay sa pampublikong sasakyan… hanggang sa aking pag-uwi sa bahay, hindi pa din lumalapag ang aking isipan….lumilipad iyon sa kalawakan, mabilis…hindi iyon kayang hagilapin ng balintataw… walang limitasyon…wala…

…nakakapagod ang buong maghapon…naging daan iyon upang ako’y mapabuntong hininga…”haaay, buhay nga naman”…inilapat ko ang aking pagal na likuran sa paborito kong upuan…binuksan ang bentilador na kanina pa nakatunghay sa aking pagbabalik…masarap ang hangin kahit dama pa din ang singaw ng init ng araw ng maghapon…tumingala ako habang nagpapalamig ng pakiramdam…tinitigan ang kisame…bumuo ng mga imahe…siningkit ko ang aking mata… dito ko nakita kung paano talunin ng maliit na nilalang na iyon ang higanteng ilaw…matindi ang kanilang naging labanan…magkakaiba ng lakas…magkakaiba ng kapanyarihan… nagagawa nilang kontrolin ang mga bagay na nasa paligid nila…ang isa ay may kapangyarihan ng liwanag…ang maliit na nilalang naman ay may kapangyarihan ng hangin… tinalo ng hangin ang liwanag sa di ko malamang dahilan….

…”bhoyet, kumain ka muna…”, sabi ng nanay ko….doon ko lang napansin na pinatay pala nya ang ilaw…nangingiti akong dumiretso sa kusina…kumain ng mabilis at nagpalit na ng damit…dumiretso ako sa kwarto…at nagtangka na ipagpatuloy ang pagtitig sa kisame…ang muling pagalawin ang aking imahinasyon….ngunit pagod ang aking mata…nadala ito ng hangin mula sa bentilador….pumikit ako… ngunit namamasyal pa din ang aking imahinasyon… at yun na nga, para akong hinehele sa duyan…masarap ang pakiramdam…malakas ang hangin na parang nasa dalampasigan…

nakatulog ako…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s