MAPALAD SILANG WALA SA KATINUAN ni SUPER GULAMAN

…lulan ng pampublikong sasakyan, minamatyagan ko mula sa bintana nito ang isang taong grasa…isang taong grasa na wala na sa katinuan…masaya siyang kinakausap ang sarili…walang bahid na alinlangan sa mga bagay na nais nyang gawin… gusto ko siyang kaawaan ngunit natutuwa lang ako siyang pagmasdan… nakakaawa nga ngunit sa kabila niyon nakadarama din ako ng pansamatalang inggit sa kanya…”mabuti pa sya hindi na nya pasan ang problemang ng mundo, hindi tulad ko at tulad mo na nabubuhay sa mundong hindi alam kung saan tutungo…”… matino nga tayo…alam natin ang tama at mali…pero malaya ba tayo?… hindi…dahil alam natin ang limitasyon natin…at hindi natin magawang makaalpas sa limitasyong iyon dahil maaaring magdulot ito ng pagkasira ng ating pagkatao o ng ibang tao…
…nakalagpas na ang aking sinasakyan, ngunit hindi pa din mawala ang kanyang imahe sa aking ulirat…ang ngiti sa mga labi na walang halong pagkukunwari, maaring may malungkot siyang nakaraan, ngunit ngayon nakalaya na siya…hindi na alintana ang panganib ng mundo, walang problema ang hindi na niya kayang harapin, wala na din ang damdaming nasasaktan, walang alalahanin sa buhay, hindi na din nya batid ang mga panghuhusga ng mundo… tanging mga alaala na lang iyon sa kanyang isipan…

…hindi ko alam kung naiintindihan nyo ang gusto kong ipabatid, ang inggit na aking nadarama sa mga taong wala sa sariling isip…mabuti pa sila malaya na…tayo kaya, kelan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s