BIDAMAN ni SUPER GULAMAN

…bago ko simulan ang entry na ito…akin munang pasasalamatan si Vanvan ng Vanvanny bilang sponsor ng post na ito…dahil sa ideyang ito…si SuperGulaman ay medyo magmamayabang ng dalawapu’t limang bagay ukol sa kanya…at dahil dito panandalian muna syang magiging si “Bidaman”, ang mayabang na GulaMan!… …ang pagpapakilala:… 1. siga ako…kahit pulis, sundalo, NPA, Magdalo o abu sayaf pa yan, inde ko yan uurungan…wala akong kinakatakutan…. maliban kay Grasya…ahahaha! 2. isa akong rehistradong guro… pero hindi ako nagtuturo.. …hindi ako agad nag-exam sa PRC pagkagraduate ko…pulubi wala akong pera pang-exam…nagpalipas muna ako ng isang taon hanggang maka-ipon..walang review, matagal na nabakante…pero nakapasa ako… swerte lang siguro o dahil nagsimba ako sa Quiapo bago mag-exam… 3. isa akong writer-researcher/statistician/math consultant/thesis consultant/math tutor/blogger/animewebsite owner…. 4. isa akong chess grand master (self proclaimed…ahehehe).. 5. naniwala ako na ang lahat ng tanong sa mundo ay may kasagutan… pero maaring mali o tama lang ito…. noong nag-aaral pa ako, mahilig akong sumagot sa mahihirap na tanong…kahit mali ayuz lang…may katapat naman na grade ang “effort”… 6. masama akong teacher …nagpraktis teaching ako sa PUP…mga accounting student ang unang course na hinawakan ko…. square root lang ng bilang nila ang pumasa…kung 49 sila….7 lang ang pumasa… kaya karamihan nag-shift na ng course… ewan ko lang kung pinakulam nila ako… ….hindi ako gumagawa ng lesson plan, masarap magturo ng impromptu…chalk at eraser lang solve na ako… …tamad din akong magcheck ng test paper, lalo na kung alam kong nagkopyahan lang, tatapon ko iyon sa basurahan…pero pare-pareho sila ng grade…2.75 at least hindi 3.0… …lahat ng mga estudyante ko sa algebra na ang course ay BPE ay pumasa, madami kasing chicks na boplaks…sayang naman kung ibabagsak ko pa….(*biased*) …natuwa ang critique teacher ko ng makita nya akong magturo, sobrang lively daw…hindi nya alam sya ang topic namin…ahahaha! 7. at dahil miyembro ako ng PUP Integrated Math Quizzers sumali ako sa isang quiz bee sa UP Diliman noong college ako, elimination pa lang…eliminated na… takte! tagalog ang math tapos correct minus wrong pa… ..sumali din ako sa isang quiz bee sa loob ng PUP, kasama ang isang klasmeyt ko kampi kami…pero hindi math-related ang quiz, pychology ata yun…4th place kami out of 15 competitors…ahahaha! 8. tamad akong magsulat noong estudyante ako…si Gelene ng Honie’s Confession na kaklase ko simula 1st college kami at ka-officemate ko hanggang ngayon ang siyang tagasulat ko sa notebook…siya din ang taga-gawa ng reviewer sa mga minor subject… ako ang bahala sa mga math assignments… 9. allergic ako sa grammar…Tagalog man o English…pulpol ako dyan.. 10. Isa akong congressional district scholar…hinangad ko din na pumasok sa Asian Ladies Scholarship…pero bumagsak ako sa psychology exam…šŸ˜€ 11. mahilig ako sa TV…pero mga cartoons at anime ang favorite ko…simula kay Bugs Bunny, woody wood pecker, road runner, tazmania hanggang sa mga japanese anime… zenki, b’t x, samurai x, naruto, bleach, evangelion, saber marrionette, lupin, vash at madami pang iba…hindi ko din pinaligtas ang bioman, ultraman, maskman, voltes V, daimos, shaider, power ranger at si Mask Rider Black…madami pa eh, hindi ko na ma-enumerate… 12. naglalaro din ako ng online games…MU philippines ang kinaadikan ko…dalawang character ko dito ay 300+ ang level.. isang blade knight (blade31) at darklord (shinobi)…naglaro din ako sa isang private server, MU Rhidge…madami akong characters dito pero isang blade knight ang pinakamalakas..blade31 din ang pangalan level 400 at 100+ ang reset…bukod sa mga iyan, naglaro din ako ng Cabal, Gunz, Prinstontale, Rakion, Gunbound, GoPets…pero hindi ng Ragnarok, Flyff at Tantra… 13. hindi ako marunong gumamit ng computer hanggang makagraduate ako ng College…booting lang ang alam ko… isa lang ang computer subject namin nun college…introduction to info tech pa…tapos pang wordstar pa ang tinuturo…2003 na ang taong yun.. 14. marunong akong gumamit ng SPSS…kung anu man yon…wag nyo ng isipin.. 15. antukin ako…9:00 pm pa lng matutulog na ako…pero maaga ako magising 4:00am gising na ako.. 16. mabait akong kapatid… ako nagpapaaral sa isa kong kapatid na nasa college… 17. hindi ako mahilig sa mamahaling damit… sa Bench solve na ako… halos lahat ng gamit ko galing Bench… 18. walang koneksyon ang nickname na bhoyet sa totoo kong pangalan… 19. 26 years old na ako…taga-Quezon City, nasa Metro Manila pero hindi pa ako nakakapunta ng Manila Zoo… 20. mas gusto ko tumambay sa bahay kaysa gumala… 21. kaya kong makipagtitigan sa pader ng isang oras….syempre may kurapan… 22. nabwibwisit ako sa mga nanigarilyo sa tabi ko…lugi kasi ako…sila naliligayahan ako mamatay sa usok nila…hindi ako nanigarilyo… 23. hindi ako umiinom ng alak…pagkain pwede pa… 24. nagsisimba ako tuwing linggo mag-isa… yun ang bilin ng Grasya… 25. pagsinabi ko…ginagawa ko…šŸ™‚ ayan po ang dalawanpu’t limang bagay na tungkol sa ating bida…kung trip mong gumaya…kuha lang mga katropa… pero sana wala na pong math problem ha?…kalimutan na po muna natin sya…šŸ™‚

One thought on “BIDAMAN ni SUPER GULAMAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s