DALAWANG DAAN SIYAMAPUT APAT NA ARAW

“im forever yours…faithfully…” -Journey

dalawang daan siyamnapu’t apat na araw, walong oras at labin’ walong minuto mula ng huli tayong magkita…kamusta ka na? mahigit kalahating taon na din ng muli kang bumalik at ako’y iyong iniwang muli upang tuparin ang iyong mga pangarap, ang aking mga pangarap, ang ating mga mga pangarap…pinili nating magsakripisyo sa halip na magbingi-bingihan sa pintig ng puso…
…sa pagkakataong ito, hayaan mo akong magpasalamat sa mga sakripisyo at sa walang sawang pagmamahal na inukol mo sa akin… ikaw na naging kabalikat ko sa mga problema at sama ng loob ko aking ama sa tuwing kami’y nagkakasagutan noon.. sa halip na ako’y iyong kampihan pilit mong pinaunawa sa akin ang mga posibleng dahilan ng mga problema ng aking tatay…pinaunawa mo sa akin ang halaga, pagmamahal at sakripisyo ng isang ama na inuukol nya sa kanyang anak… pinaunawa mo sa akin na hindi ako dapat magtanim ng sama ng loob sa kanya… salamat…tama ang sinabi mo na “khit anong gawin, tatay mo pa din sya”…at yun na nga, sa huling sandali ng aking ama, alam kong masaya sya sa pagkakaroon ng Grasya ng kanyang pinakapaboritong anak… naalala ko pa nga ang huling araw ng pagkakausap nain ng aking tatay, tinanong ka nya sa akin at sinabi, “Yet, nasaan na ang asawa mo?”… lumingon ako ng bahagya sa kanya at sinabi kong, “nandun pa po, natutulog”… “bumalik kayong dalawa mmayang gabi at dito na kayo mag-noche buena”, wika nya…natuwa talaga ako sa tugon nyang iyon…hindi pa man tayo naikakasal alam kong masaya sya na ikaw ang aking minamahal…ngunit sa noche buenang iyon, hindi na sya lumabas na kwarto…lumipas ang pasko, nagkulong lamang sya sa kanyang sya doon..masama daw ang pakiramdam ng tatay ang sabi ng nanay ko….at yun na nga 26 ng umaga ng Disyembre…wala na ang aking ama….

…tunay ngang nakakalungkot ang pagpanaw ng isang ama…nakakalungkot dahil hindi na nya matutunghayan ang aming pag-iisang dibdib..nakakalungkot dahil hindi na nya makikita ang pinakaabangan nyang mga apo… ngunit sa kabila nun, alam kong masaya sya sa nakikita nyang pagmamahalan namin ng aking Grasya…at knyang pagpanaw ipinangako ko na hindi ko pababayaan at lubusan kong mamahalin ang aking Grasya…

…kamusta na kaya ang aking Grasya?…ako’y nasasabik sa iyong muling pagbabalik…at khit malayo ka ngayon sa akin, ang iyong pagmamahal ay nandun pa din…ipinadarama mo na hindi karagatan ang pagitan natin…nandoon pa rin ang mga paalala at pakikinig… sa’yo ko natutunan na walng silbi ang pamamahalan kung hindi naman ito pinag-iingatan…pangako mahal, akin itong pag-iingatan… pag-iingatan hanggang wakas… ngunit hindi ko pa din maiwasan na ikaw ay aking hanapin…matunghayan ang mukha mo na nakamasid sa aking paggising… hinahangad na sa bawat araw na lilipas, ikaw at ang iyong pagmamahal ang aking kapiling…miss na kita…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s