FIRST TIME MO? ni SUPER GULAMAN

unang araw ng taon ng 2009…mga tsong, happy new year!…parang kailan lang ng magsimulang lumarga ang taong 2008 at ngayon 2009 na pala, hindi pa din ako registered voter…ahahaha… pero bago ang lahat, gusto ko munang abusuhin ang pagkakataon ito na kayong lahat ay batiin ng Happy New Year! unang araw ng taon, isang magandang simula ng pagbabago…unang simula ng mga magagandang pagkakataon…wag nating sayangin, bagkus tayo ay tumindig ng may tatag at sigla para sa hinaharap…
ang bilis talaga ng panahon…eh anu naman kung mabilis ang panahon? kung sabagay bumilis man o bumagal ang panahon..hindi naman natin ito mamamaniobra…hindi natin ito mapapatakbo ng ayon sa ating gusto…pero malaki talaga ang epekto ng mabilis ng takbo ng panahon para sa akin..ewan ko lng sa inyo… minsan kasi nangangahulugan ito takot… oo tama! takot! maraming takot o fear ang meron ang bawat isa sa atin…takot sa pag-iisa, takot sa pagtanda, at takot sa kamatayan…ang lahat ng mga takot na iyan ay madalas dinidulot ng mabilis ng takbo ng panahon… pero madalas hindi natin namamalayan na meron pang isang takot na dulot ng panahon ang palaging namamalagi sa atin pagkatao… ito ang takot ng “first time”… oooppsss… hindi ito yung malisyosong bagay na naiisip mo…pero kung gusto mo iyon isali….ikaw na ang bahala…

ngunit sa seryosong usapan, nakakatakot talaga ang bawat unang pagkakataon o “first time”… naalala mo pa ba noong una kang pumasok sa paaralan…umiiyak ka pa nga noon at ayaw mong magpaiwan sa mommy mo…pero ng malaman mo na madaming kalaro at klasmeyts pla dun, naging kalmado ka na…takot din ang iyong naramdaman noong unang pumasok ka sa kolehiyo… hindi ba kasi, hindi mo alam kung anu na itsura ng mundong iyon..at takot din ang iyong naramdaman ng humarap ka sa interview pra sa iyong trabaho…takot din ang iyong naramdaman ng magsimula ka ng magtrabaho…at kahit ang pagtungo sa lugar na sa unang pagkakataon mo pa lang mapupuntahan…di ba natatakot ka? bakit ka nga ba natatakot? “first time” kasi eh…ang totoo niyan takot din ang aking nadama sa unang taon ng pagpanaw ng aking ama…at bilang panganay na lalaki ako ang magsisilbing padre de familia…nakakatakot pero kinaya… nakakatakot talaga ang first time…

at sa unang yugto ng 2009…first time nating makakaharap ang bawat hamon ng buhay…nakakatakot…pero sigurado ako kakayanin natin itong lahat…

oo nga pala…may mga taong hindi takot sa “first time”…exciting daw kasi ang first time…
ikaw? exciting ba para sa iyo ang first time o natatakot ka?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s