GUSTO KO NG MAMATAY ni SUPER GULAMAN

note: walang kinalaman ang friday the 13th sa post na ito…

sa paanong paraan gusto mong mamatay? gusto mo bang mamatay sa paraang kung paanong paglaruan at patayin ni Jigsaw ng Saw V ang kanyang mga biktima? gusto mo bang mamatay ng katulad ng bampirang si Sonja ng Underworld na kung saan siya ay binilad sa araw hanggang siya’y maabo? o baka naman gusto mong mamatay ng katulad kay Benjamin Button na ipinanganak na isang matanda hanggang mamatay ng isang sanggol?…o baka naman gusto nating gayahin ang gustong paraan ng aking ka-opisinang si Ms. Em… ang sabi nya:
“I used to sit on a wooden bench outside the house at sundown wishing for the cold wind to just freeze me to death and make a beautiful monument of me. “

matagal na din ang panahon ang aking inuukol sa pag-iisip sa kung paanong paraan ko gustong mamatay…kung sa isang car accident kaya?, wag yun ayokong maiburol na pangit ang itsura… kung sa pagkalunod naman, ayaw ko din dahil lalaki ang tiyan ko, ang pangit pa din… sa sakit naman, ayaw ko din ang mahirapan…kung bangungot naman ayokong mamatay ng hindi ko nalalaman… kung atake sa puso, ayaw kong mamatay ng biglaan… kung sa katandaan, ayaw kong mahirapan ang mga mag-aalaga sa akin… ang totoo nyan hanggang ngayon hindi ko talaga alam kung ano ang magandang paraan ng pagpanaw

sinasabing ang buhay daw ng tao ay parang isang gulong…paulit-ulit…paikot-ikot…may mamatay…may ipapanganak..magiging bata..maglalaro…mag-aaral…tatanda…mamatay… ganun ang buhay…at sa bawat pagpapanaw dala nito ang kalungkutan sa pamilyang maiiwan… ang kalungkutang iyon ay mula sa isang pamamaalam at ang katotohanang hindi na s’ya babalik kailaman… hindi ko din ninais na mabuhay ng habang panahon dahil kalakip nito ang silbi at halaga ng buhay…

mahalaga ang buhay, huwag natin itong sayangin sa pag-iisip ng mga malulungkot na sandali…hanggat maaari…magsaya ka…gawin mo ang iyong gusto… gawin mo ang bagay na tama at alam mong ikakasiya mo… huwag kang matulog sa isang sulok at magmukmok… kalahati na ng buhay mo ay natutulog ka…huwag ka ng mag-aksaya pa… masaya ang buhay lalo na kapag puno ng pagmamahalan…maaaring may mga darating na problema at malulungkot ng sandali, ngunit hindi hadlang ang mga iyon para maging maligaya…buhay ka pa, meron pang pag-asa…

…at ngayon tinigilan ko na ang pag-iisip ng gusto kong paraan ng pagpanaw… hindi na mahalaga kung sa paanong paraan man…hindi naman natin alam kung ano ang hinaharap… hindi naman nasusukat ang halaga ng iyong buhay sa paraan ng iyong pagpanaw… nasa mga karanasan ito na iyong dinaraanan… alam kong lahat ay lumilipas… lahat ay mawawala… tatanda ako, ikaw, tayo… ngunit ang tanging hiling ko, sana makasama ka ng matagal sa bawat sandali ng aking buhay sa mundong ito…sana ako pa din ang laman ng puso mo hanggang sa huling pag-inog ng mundo… sana… sana…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s