KALIWA KANAN ni SUPER GULAMAN

…isa sa pinaka-komplikadong bahagi ng katawan ng tao ay ang utak…at kung utak ang ating pinag-uusapan, nagiging issue sa atin kung anung bahagi ng utak natin ang ating madalas na pinapagana…kanan o kaliwa?

sa pamamasyal ko sa ilang blogs…aking nakita ang kagilagilalas na larawang iyan… ngunit hindi ako namangha sa animo’y hubad na larawan ng isang babaeng umiikot kundi sa mensahe ng direkson ng kanyang pag-ikot… ang sabi, kung iyong makikita na babae na nsa larawang na ito ay umiikot ng clockwise, madalas mo daw ginagamit ang kanan (right) bahagi ng iyong utak…at kung counter-clockwise, yung kaliwang (left) bahagi naman ng utak ang dominante sa iyo…

noong una hindi talaga ako kumbinsido sa larawang iyan, inisip na baka naka-program yan na umikot ng pakanan at pakaliwa…nakikita ko kasi yung parehong direksyon ng pag-ikot ngunit mas madali kong makita ang pag-ikot ng clockwise…kung kaya naghanap ako ng ilang quiz sa internet na magtutukoy kung anong bahagi ng utak ang dominate sa akin… at yun na nga … aking napatunayan na right brain ang dominante sa akin…natakot lang ako ng bahagya dahil sa mga nabasa kong survey tungkol sa bagay na iyan… ang sabi kasi sa isang article 95% to 97% ng left-brained people are right-handed…ayun na nga right-handed ako pero dominate ang right brain ko…ibig sabihin kabilang ako dun sa 3% to 5% na right-handed tapos right brain ang dominante…

…mejo hindi pala ako normal sa mga aspektong yan…pero kung sa bagay napatunay ko na ang ilan dito…

…isa akong math major, BS Mathematics graduate…ngunit kahit kailan hindi ako naging mahusay sa numero…mahina ako sa arithmetic, sa katuyan…2nd year high school na ako noon, hindi ko pa-memorize ang multiplication table…. pero ilang math quiz bee na din ang aking napanalunan noong high school ako…masasabi ko din na kaya kong ituro sa inyo ngayon ang buong course ng algebra ng walang gamit na libro… pero kung magpapagalingan tayo sa arithmetic, sigurado ako na matatalo mo ako…math major, bobo sa number…weird di ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s