URI NG MUNDO ni SUPER GULAMAN

…mundo (*world)…sabi sa isang commercial sa TV…”bilog ang mundo”…bilog nga ba?…ang sabi kc nung teacher ko nung elemetary pa ako, hindi daw tlaga bilog ang mundo…ang sabi nya elliptical daw na mejo nakatagilid (*tilted ng bahagya)…hindi ko alm kung totoo un o binobola lng ako ng teacher ko nun at parang nakuha nya lng un sa chizmis… pero sa bagay wala nmn talagang perpektong bilog…. na khit gaano ka pa kagaling sa pagguhit ng bilog hindi pa din sya magiging perpekto…gumamit k man ng computer or khit anung makina sa pagguhit ng bilog hindi sya perpekto tulad ng inaakala natin…

noong nsa highschool pa tayo alam natin na ang value ng pi ay 3.1415926535……(*basta marami pang numbers ung susunod dyan)… (patuloy lang po ntin ang pagbabasa, wag po tayong matakot sa math)…so un na nga, ang pi ay ratio ng diameter at circumference ng bilog…at sa kadahilanang ang diameter at circumference ay parte ng bilog marapat lamang na akma at merong syang nagiisang value ng pi…na kung saan sa lahat ng klase bilog (malaki man o maliit) dapat iisa lng ang value ng pi…pero hanggang sa panahon ngaun wla pa din ang nakakatuklas sa tunay na value ng pi…alam ntin na 3.14 nga sya…pero hindi yan ang actual n value..marami pang digits ang susunod sa knya…walng pattern, random, hindi sakto…. isa lamang yan sa mga patunay na hindi pa tayo nakakagawa ng perpektong bilog….kung sa bagay wla nmn perpekto sa mundong ito…unless ang pangalan mo ay “Perpekto”…ahehehe…

…anu nga ba ang mundo?…change question please…cge, ito n lng, “anu ang meron sa mundo?”… sympre madami… tao, halaman, hayop, kaibigan, buhay..madami…iba-iba…cgurado ako ngaun, may mga bagay kayong na-ikokonek kapag mundo ang pinag-uusap…magkakaiba tayo kc ng pananaw sa buhay, magkakaiba ng mundong ginagalawan…ung iba nmn sa inyo masyado ng makamundo ang iniisip…ahehehe, sensored…pero khit anu pa man yang mundo n yan…maaaring kabilang yan sa dito apat na uri. Base sa mga bagay na ginagawa ko ngaun, masasabi kong meron tayong apat n mundong ginagalawan. Ito ay ang (1) Real World, (2) Astral World, (3) Cyber World, at (4) Imaginary World.

Real World– ito yung actual na ginagalawan ntin….nandito ang ating pisikal n anyo…ito ung mundo na mahirap kontrolin…ang mga pagkakataon d2 ay maaring hindi ayon sa iyong kagustuhan… sa mundong ito, makakadama ka ng sakit, hirap, saya..iba’t ibang emosyon….sa mundong ito, hindi uso ang plano…nangyayari ang mga mangayayari spontaneously…wow! english…

Astral World- ito ung mga mundo ng mga gifted…cla ung may kakayahan na paalisin ang kanilang spirit sa pisikal n katawan… walng limitasyon sa mundong ito., pero tanging ang may mga gifts o third eye ang maaaring makapaglakbay saan man nila naisin, tintawag itong “astral projection”…kung kaya hindi ito simpleng imagination ng pag punta sa isang lugar…sa katunayan, ito din ang mundo na ating pinupuntahan habang tayo ay natutulog…maaring ang mga pangyayari d2 ay maging totoo din sa real world pero madalas isa n lamang itong panaginip…

Cyber World– ito din ay tintawag n virtual world…madalas d2 n din ako nakatira sa mundong ito… ito ang mundo ng makabagong teknolohiya…ang mundong ito ang madalas umubos sa oras ng mga tao sa real world…sa cyber world, maaring ikaw ang bida, pwede din ikaw ang kalaban…halos pareho ng Real World pero halos lumalapit sya sa imaginary world…matagal ang oras n ginugugol ko sa mundong ito…nandito kc ang trabaho ko..dito na din ako naglalaro…sobrang busy ng mundong ito… gusto mo b sa mundong ito?

Imaginary World– pag-alis ko sa cyber world, d2 na ako tumutuloy…dalawang klase ang imaginary world…ang Past at ang Future…ang Past ay ang mga pangyayari sa buhay mo na naganap na…d2 muli mong aalahanin ang mga sandali ng iyong buhay, mga malulungkot at masasayang alaala…sa kabilang banda, ang Future nmn ay tumutukoy sa iyong mga plano, sa iyong mga pangarap…sa kadahilanang naging hobby ko na ang mag-isip ng mga walng kwentang bagay..d2 n ako namamalagi..inaalala ang mga masasang pangyayari nuon….at iniisip ang mga pangarap ko sa sususnod n panahon…

Tama, posible ngang hindi lang apat ang uri ng mundong ginagalawan natin. Sapalagay mo sa anung mundo madalas ka namamalagi?

2 thoughts on “URI NG MUNDO ni SUPER GULAMAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s