WORLD PEACE ni SUPERGULAMAN

…bilang tugon kay BB. Alindogan sa kanyang katanungan ukol sa “World Peace”, narito na naman po ang isang post na maaaring magpabago ng inyong pananaw sa mundo…

…matapos akong makipagbuno sa aking mga tanikala(*), agad kong binasa ang mga komento sa aking nakalipas na post…hindi ko inaaasahan na may magtatanong ukol sa “world peace”…ang totoo nyan, matagal ko na itong tanong sa aking sarili…ngunit maging ang kabilang ako ay umiiling lamang sa mga bagay na ito…ang sabi nya, “dati-rati ang problema mo lng ay ang iyong buhay, bkit ngayon pati problema ng mundo gusto mong pasanin”…at dahil tanong din pla ito ni BB. ALindogan, aking napagtanto na may mga ilang tao din pla ang namromroblema tulad nito, so share-share kmi sa pamromroblema…ahehehe..

…tinigilan ko na ang pag-iisip, pasado alas kwatro na, kailangan ko na ang umuwi…sa jeep, mukhang lahat ng tao ay nagmamadali..uwian na, pero bakit prang may hinahabol sila… si manong driver, ang bilis magpatakbo ng sasakyan, prang eroplano…nagmumura na ang ibang mga pasahero dahil sa pagging kaskasero ni manong driver, bahagyang binagalan nya ang takbo…ok na, mejo hindi na din ako kabado…sa may stop light, isang motorsiklo ang mahilig sumingit…at sakto dun sa sa likuran ng jeep na aking sinasakyan sya puwesto…maliit n lng ang distansya nya sa aming sasakyan, at alam ko na ang magiging susunod nun…naatrasan sya bilang pwersa ng aming jeep sa pagabante…kinalampag nya ang aming sasakyan ay sumigaw na, “hoy! may tao dito sa likuran mo”…sinisisi nya si manong driver dahil hindi daw ito lumilingon sa likuran…napailing lng ako dahil kung sa likuran titingin si manong driver baka kmi nmn ang maaksidente…bumaliko nga ng bahagya ang motorsiklo ngunit mabuti na lng at hindi sila nagtalo ng matagal at umalis n lng ang bawat isa…

..sa bahay…sakto umabot ako sa news…mmhhh…”tatay pinugutan ng ulo ang 12-taon gulang na anak… melamine sa produkto ng gatas, pinangangambahan!… gabby galit kay mommy rose… sundalo laban sa mga bandido, umiigting!., mga pirata umatake sa somalia..”…ilan lamang ang mga iyan balitang na nagpapakita ng mga malulungkot na pangyayari sa mundo… world peace, posible pa kaya?…

…wala nmn talagang perpektong mundo…sa aking papananaw imposibleng mangyari ito sa ating mundo ngaun..hindi ito magagamot ng anumang relihiyon, ng mga pangako ng mga pulitiko, ng mga strike, ng mga protesta… tama nga cguro si Kat, na dapat gawing relihiyon ang pag-ibig, na khit papano mabawasan ang mga kaguluhang ito…pero sabi ko nga hindi din magiging sagot ang relihiyong ito sa paghahanap ng world peace… bkit? ang mundo ay ginawa ng balanse…may masama, may mabuti…ngunit hindi din nangangahulugan na ang hindi paggawa ng masama ay mabuti, or ang hindi paggawa ng mabuti ay masama… hindi ginawa ang mundo pra maging perpekto ito…ginawa ito upang hubugin ang ating pagkatao sa iniisip nating nararapat…sa palagay ba ninyo kung ang mundo ay puno ng pag-ibig, magkakaroon ba ng world peace…posible pero posible din na hindi…madalas kasi ang pag-ibig ay inuukol natin sa mga bagay na ating pinahahalagahan…Diyos, asawa, kaibigan, pamilya….ung iba pera, kayaman, kapangyarihan, kasikatan…ang pag-ibig na ating ibibigay sa bawat isang yan ay tiyak na makakaapekto pa sa iba pa na ating pinahahalagahan…sabi nga ganun daw tlaga.. “balace of nature”…hindi pwedeng lahat maganda, meron din mga pangyayari na pangit…pero ang mahalaga in-enjoy ntin ang buhay…

…world peace…pinilit kong itong hanapin sa ibang tao..hindi ko ito nakita..hindi ko din ito nakita sa yaman na meron ako (*wla pla ako nun)…pero teka nasa puso ko yata ito…nasa pagkatao ko…

(*) tanikala: ito ung mga bagay na gumagapos sa ating buhay upang matugunan ang ating mga pangangailangan sa araw-araw. Ito din ang gumagapos sa mga bagay na nais nating pahalagahan. Kinukuha nito ang ating oras at panahon na dapat na ay ating iuukol sa mga bagay na ating ikasasaya at ikasasaya ng iba tulad ng pag-ibig at pamilya.

4 thoughts on “WORLD PEACE ni SUPERGULAMAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s