ISANG LIHAM_ PAKIBASA

dear ate charo,
ako po ay masugid nyong tagabasa ng mga kuwento nyo. itago nyo na lang ako sa pangalang Katherina Guaterez. sa totoo lang po eh magkamukha po tayo dahil sa nunal pero hindi po yung kwento ko. ito po ay tungkol sa lalaking nakilala ko sa aking training sa aking trabaho. itago na lang natin siya sa pangalang PUGO. si Pugo ay isang anghel na galing sa langit pero nalaglag dahil sa kabigatan. isang pagkaing di ko malunok dahil sa tigas. parang alien na mukhang tao. parang isang paper weight na talagang mabigat at di na matagal sa pagkakadagaan. parang panginip na kapag di ka nagising eh nabarahan na ng cholesterol ang mga ugat mo sa katawan. yan si Pugo. hindi ko nga alam kong ano ba talaga ang nakita ko sa kanya. isang siyang tall, dark and something na hindi ko pwedeng sabihin sa inyo para may privacy. alam ko kung ikakama niya ako lulubog ako sa kama. pero mahal ko na siya, parang ung bata na kumain ng hotdog sa isang commercial tapos maprufrustrate lang ako kasi di niya ako pinapansin. pero ok lang. ang importante eh nakakasilay ako sa kanyang araw-araw. alam ko rin na hindi niya alam ang aking pangalan pero pangalan niya ay nakatatak sa aking puso. ang mukha niya, ang labi na sa sobrang kissable eh kapag nahalikan mo eh nakakaumay, ang kanyang tinig na umiecho sa aking tainga at dinaramdam ng aking puso. ang mga mata niya na pamatay talaga. hindi ko na alam kong ano bang meron siya nawala ang ibang lalaki, siguro katawan. and i mean it kapag sinabi ko KATAWAN. anyway, ang istorya ko po ay walang resolution sa huli kasi wala pang nangyayari sa amin. siguro ay friends lang kami sa ngayon. sige na nga casual friends… or i know him by his name at ako para sa kanya… ay isang prinsesa na naghihintay lang halikan ng kanyang prince charming pero di alam ni charming na ako pala ang kaylangan niyang halikan at hindi ang dingding at kama sa aking paligid. hanggang dito na lang po ito kasi ako po ay maglalababa na, at nagagalit na si Ma’am.
 
isang tagahanga,
 
kathrina guaterez
 
p.s.
may naisip na akong title dito sa istorya ko at isusulat ko na lang sa seperate paper para hindi magkaroon ng linkage kung icocontest

One thought on “ISANG LIHAM_ PAKIBASA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s