MALUNGKOT PALA ANG BUHAY KO… PATI PALA BUHAY MO

alam ko na darating ang panahon na magiging seryoso din ako sa buhay. sa ngayon wala pa akong patutunguhan, talagang wala. wala pa akong pangarap at mga gustong makamit sa buhay ko. alam kong matanda na ako at kailangan ng magkaroon ng direksyon ang buhay ko. kahit na nagtatrabaho na ako ngayon, lahat ng gusto ko ay panandalian lang. kagaya ng mga VCDs at DVDs ko na pagdating ng panahon eh hindi na magpiplay. baka dumating ako sa panahon na yon. wala pa sa plano ko ang magkabahay at magkakotse o kahit magka-anak o magpakasal. di naman boring buhay ko. siguro happy go lucky person ako. ung tipo na walang pakialam sa mga susunod na mangyayari. masaya pa naman ako, kumakain ng 3 times a day plus merienda, at natutulog ng 8 oras sa gabi pero sa kagaya ng work ko 6 hours sa umaga ay pwede na. kuntento na ako sa mga kaibigan ko at sana di na madagdagan kasi ang hirap tandaaan ng mga name nila sa sobrang dami. maligaya talaga ang lovelife ko pero parte lang yan ng aking maikling buhay. marami pang contents ang buhay ko. nandiyan ang pagkagutom, pagtuklas ng ibang lengguwahe, pagkatututo kung pano magcross stich ng tama, ang umibig at masaktan muli, maging isang pain absorber sa lahat ng pain sa mundo, kumain ng damo, magpuyat, makihalubilo sa mga taong di naman dapat pagkahabiluan at marami pang iba. hindi yan mga plano, iyan ang assumption ko sa buhay at wag nyo sasabihin sa akin na magkaparehas ang pangarap sa assumption. ang pangarap kasi sa isip lang kung minsan pero ang assumption mangyayari at mangyayari yon ng di inaasahan. habang ako’y naglalabas ng sama ng loob sa sarili ko, maraming natutulog sa mga cubicle nila kasi madaling araw na at si ate charo (aka KATE) ay binabasa ang aking ginagawa) at tinanong niya kung seryoso ba ako. di ko nga alam kung seryoso nga ako habang sinusula ko ito o dala lang ito ng walang tulog. malungkot ang buhay sa malungkot pero alam ko darating din ang time na si darna naman ang lalabas sa Captain Barbell kagaya ng sa pagtatapos ng DArna

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s