PAGBABALIK TANAW SA 2009

 

 

di ko alam pero sa taong 2009, ito ang pinakamahirap na taon para sa akin. siguro para sa mga taong pinanganak sa year of the rat, isa itong ultimate challenge. nawalan ako ng gana sa trabahong minahal ko ng tatlong taon, di pa rin ako nakamove on until this fourth quarter, sang katerbang money problems, problema sa love life at kung paano ko aayusin ang dalawang libo kong dvds at cds. di ko rin alam pero itong taon na ito naramdaman ko na ako ay pangit. di naman ako guwapo, cute lang (parang doggie). marami akong planong naudlot kagaya ng pagpunta ko muli ng puerto, boracay, enchanted kingdom at muntik ng di matuloy ang manila zoo adventure ko. pero di naman puros delay, hardship at suffering ang dala ng taon na ito sa akin. dahil sa nagresign ako nakapagpanhinga ako mula sa call center world. naranasan kong maging normal na tao ng isang buwan halos. tapos balik ako uli sa call center world. naalala ko bigla ung trip namin sa laguna ng calliope na dati kong team (memories nga naman) na…just leave it there na lang. meeting and making new friends sa aking bagong trabaho. buntisan at anakan…mukhang uso sa 2009 yan. break up (pinakakontrebersyal eh yung aryan – marvin break up). ung kasal ni haidee (na mukha akong basahan na dumating sa kasal kasi galing ako sa shift). ung kala ni monis nakabuntis siya pero false alarm lang pala. the bonding time with high school friend (at pangugulit nila sa reunion, malapit na…next year). ang pagpunta ko ng baguio early this year and it was really masaya. pero ang pinaka di ko malilimutan eh ung bagyong ondoy. talagang scary un. parang magugunaw na ang mundo that time. at kapag na aalala ko ng tanghaling un na naglalakad si marky pauwi na nakalong sleeve at naka sunglasses na mamula mula ang cheeks, lihim akong napapangiti. itong taon ko rin sinimulan ang facebook acct ko at 2000+ na friend ko, unlike sa friendster wala pang 500. ito ay ilan lang sa mga tidbits ng 2009 at alam ko na ang 2010 have something for me to look forward too. isang ang wish ko…sana bumaba na ang YCT ko sa 6 minutes, laging 9 or 10 kasi…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s