SIRANG GULONG, BAGUIO AT ASO!!! PART 1

naexcite ako kasi after ng isang taon eh bumalik ako muli sa baguio. di ako makapaghintay para sa baguio trip ng team namin sa company namin. naks! walang tulog tulog! walang stop stop! ayan nasabugan kami ng gulong. nakatayo kami sa isang mainit na araw, walang masilungan. unang beses kong dumaan sa kennon road at tumigil sa malaking leon! malaki talaga siya ah…. pagdating namin sa baguio, unang stop eh SM. di ko alam pero meron talaga kaming ugnayan ng SM. tapos palengke, di ko alam kung bakit sabik ang mga kasama ko sa shopping eh unang araw palang namin, aba parang wala ng bukas kong makapagshopping samantalang ung iba eh antok na antok na. di ko rin alam kung bakit kahit antok na antok na eh pose pa rin ng pose kapag may picturan na. nais ko palang ipaabot kay justine ang aking lubos na pasasalamat dahil bumili siya ng aso na ibinigay niya sa akin (di ba ang sweet). kaya niya lang binigay yung aso kasi nag pupu ung doggie sa palengke eh bawal ang dumi ng hayop doon kaya pinagpulot siya. pero di naman siya ang pumulot kasi nagsuhol siya sa mga bata para sila ang gumawa. pagtapos ng panic buying nila sa palengke eh pumunta na kami sa aming tutuluyan. isang bahay na maraming kuwarto. malapit ito sa mines view at parang isang malaking maze ang bahay. maaming pintuan at mga paalala. “siguraduhing nakasara ang mga…, patayin ang tubig kapag…, AT wag bukasan”. di ako nakatulog ng gabing yun dahil sa aso kasi magingay. nag-iinuman nga yung mga kateam ko ang masama pa doon ung isa eh reklamo ng reklamo sa palengke na antok na antok na siya tapos 24 oras ng gising….ITUTULOY!

One thought on “SIRANG GULONG, BAGUIO AT ASO!!! PART 1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s