ENVY

Envy. Inggit. . Was just chatting with a friend, sabi niya, “Teh, bakit si ____ may GF na, may BF pa. Dalawa! Tayo ni isa, wala!” . On another occasion, this same friend tells me, “Oi, si ____ at si _____ may ngala-ngala action (kissing) sa O Bar last weekend. Ang dali-dali nilang mag-flirt noh? Kainggit!” . Envy. Inggit. Aminado naman kami ni friend, wala namang kaso yun, at talagang we label our emotion as it is. Inggit. . Napa-isip tuloy ako, ano ba yang emosyon na yan? Okay lang ba ang mainggit? Masama ba ito? . Immanuel Kant, a German philosopher, defined envy as “a reluctance to see our own well-being overshadowed by another’s because the standard we use to see how well off we are is not the intrinsic worth of our own well-being but how it compares with that of others.” I love it! Ito na yata ang pinakamagandang definition ng inggit na aking na-encounter. . So, moral of the story, sa ganang akin lang naman, kapag nararamdaman ko ang feeling ng inggit, dahil na rin kay Kant, naiisip ko na sign ito na nababale-wala ko ang sarili kong well-being. Naiisip ko, o bakit ko nga ba kailangang i-compare sa iba ang aking sarili? Bakit kailangan na ang pamantayan ko ay nasa labas? If, instead, I turn inward and appreciate the good things I have, the gifts I enjoy, and the many beautiful things I have been given and have accomplished, eh di mas masaya sana ako. Tumpak? Korek, malaking check!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s