TO BE A BETTER MAN from KWENTONGBARBERO.COM

Isang taon na pala ang nakakalipas mula ng mapikot kinasal ako sa maganda  kong asawa.  Heto ang mga bagay na natutunan ko bilang may asawa:

1.  Pag nagkakainitan sa usapan,  divert the topic.   Halimbawa,

BebeKo:  Lakwatsa ka ng lakwatsa, anong akala mo binata ka?  Kahapon.. yada.. yada…

PogiMe:  Be ano ‘yung nakasabit sa bintana?  Manananggal! [sabay turo]

BebeKo:  Asan?  Wala naman eh?

PogiMe:  Syempre wala na, nakalipad na. Antagal mong tumingin. 

2.  Pag nagkatampuhan, ‘wag piliting magkabati, take it slow.  Sabi ng mga ninong at ninang namin sa kasal, wag matutulog nang hindi nagkakaayos.  Di ko alam kung anong reference material nila sa pagsabi nila no’n, baka Abante Tonite saka iyottube.com.  Pero mas okay ‘yung wag munang magkibuan, pahupain ang sama ng loob.  Tapos mamyang madaling araw, oras ko na para umatake, maglambing, at yumakap ng mahigpit.  Wala nang usap-usap ‘yan.  ‘Yun na ‘yun.  Hindi nga lang fool-proof ang advice na ‘to dahil kung minsan, napagkakamalan niyang gumaganti pa din ako dahil hindi siya makahinga sa higpit ng yakap ko sa leeg.  Choke slam kung choke slam ito.  Hahaha.

Hindi na masama ‘yan, dalawang aral sa isang taon.  Tama ‘yung sinasabi nila na ‘wisdom comes with age’ saka ano… ahm…  ‘sex is the best teacher’. Oo, ‘yun nga.   Anong typo error, walang typo error ‘yan, wag ka nang umangal kung ayaw mong masaktan.

Alala ko, sa isang taon naming pagsasama, madami ring sakit ng ulo ang naidulot ko sa misis ko.  Obvious bang matigas ang ulo ko?  Meron ‘yung nabalitaan kong nabastos siya ng caterer nila na tinimbre sakin nung janitor.   Administrator si BebeKo tapos ginaganun siya ng isang tau-tauhan niya lang?  Tahimik na tao ang misis ko, ayaw ng gulo kaya hindi nagsusumbong sa ‘kin.  Pero pinuntahan ko pa rin ng mahinahon ‘yung tao.  Tinanong ko ng maayos sa harap ni misis kung anong totoo.  Nakita ko kung pano niya i-bully ang misis ko ng harap-harapan. Tanginangyan, ni padapuan ng lamok di ko hinahayaang mangyari sa misis ko tapos gaganunin lang niya sa harap ko pa.  Napailing ako saka kaswal na sinabing, ‘Gusto mong patayin na kita ngayon o mamya na?’.  Nakita niyang pinasok ko ang kamay ko sa bulsa.  Inisip niya sigurong may balisong akong dala.  Wala.  Tiyane lang ‘yon, pantanggal ng buhok sa ilong.  Death by tiyane ang mangyayari sa kanya.  Nagtatatakbo sa takot.  Mamya tumawag na ‘yung bosing nila, ipapahuli daw ako sa pulis. Ngiti lang ako.  Magpapalabas na din ng restraining order sakin sa immigration.  Ngiti lang.  Immigration?  Wala akong balak mangibang bansa.  Sabi ko, ‘Sabihin mo sa bosing mo, matagal pa ‘yung plano kong mag-angkat ng droga sa ibang bansa ok?’

Pagkatapos no’n hanggang gate na lang ako pag sumusundo kay BebeKo.  Blacklisted.  Natapakan ego ko dun.  Napapailing na lang ako.  Banned na nga ako sa mga beerhaus, pati ba naman sa opisina ng misis ko, banned din ako.  Whatta life di ba.  Tapos nadagdagan pa dahil minsang sumusundo ako, sinabihan ako ng sekyu ng ‘Papasukin ko ba ito?’ sa kausap niya sa radyo.  Ang tawag sa ‘kin ay ‘ito’.  Si Badoodles na may tatlong fans sa blogosperyo [na posibleng madagdagan pa ng isa sa susunod na taon] ay tinawag na ‘ito’.  Pilit kong nira-rationalize na baka bumagsak siya sa kanyang takdang aralin sa Filipino kaya nasabi niya ang ‘ito’.  Pero mali ‘yun.  Ang ‘ito’ ay para sa bagay-bagay tulad ng kabinet, kubre-kama at platito, ang ‘siya’ ay para sa tao.  Tumaas na naman ang dugo sa kili-kili ko.  Sinitsitan ko ‘yung sekyu.  Iniumang ko ang kamay ko sa kanya na parang baril.  Pinutok ko.  Kung ‘yung sekyu sa opisina namin ang ginawan ko ng ganun, malamang nag-play dead na ‘yun.  Pero hindi natinag.  Nakatingin lang sakin ng masama, dedma.  Wala akong choice kundi tadyak tadyakan ang gate at magmura na tipong kahit aso ay maiinsulto sa sinabi ko.  Nagkagulo, naglabasan ang iba pang guwardiya.  In perness, masakit pala sa paa.  Kinabukasan, may spot report na naman patungkol sa akin.  Pero hindi nakalagay dun sa report na maga ang braso at paa ko at kailangan kong uminom ng Alaxan FR ng dalawang araw.  Unfair hindi ba? 

Umiiyak ang misis ko sa ‘kin.  Bakit daw ako ganun.  Sobrang kahihiyan ang binibigay ko.  Sabi ko, hindi ko siya pinapahiya, ultra electro magnetic assholes lang talaga ang mga kaopisina niya.  Kung may mabait man, kaya kong bilangin ng nakapikit.  Hindi sila marunong magpahalaga ng taong mabait sa kanila.  Isama mo na ‘yung bading na bosing niya na kamukha ni Uncle Fester ng Addams Family.  Okay, binabawi ko, mukang overgrown retard na lang.  Hindi ko siya magawang hampas-hampasin ng titi ko dahil baka lalong matuwa at mag-enjoy.    

Tama siguro si misis na krimen ang mahalin ako, ang pagtiyagaan ako at magbakasakaling magbago pa ako.  Marami namang ibang lalaki dyan na mabait, masunurin at handang magpa-bully kahit kelan bakit kailangang magtiyaga pa sa ‘kin na mahirap pasunurin.  Pinipilit ko namang magpakabuti.  Pero hindi naman kayang magpakabuti ng tao sa isang magdamagan lang.  Binigyan tayo ni Papi Jesus ng walumpung taon [assuming na wala kang bisyo, di ka maaaksidente o masa-salvage] para magtanda at aralin ang turo ng karanasan.    Ang bumangon sa pagkakadapa, matuto at magpatuloy sa buhay.  You live and you learn. 

Mabait naman ako talaga.  Wala lang bastusan ng siyota dahil nagiging Incredible Hulk ako.  [You mess with mah girlz, you mess with me ayt].  Pero marunong na din akong magtimpi.  Dati madaling mag-init ang ulo ko pag mahaba ang pila sa ATM tapos ‘yung nasa unahan,  parang nagwi-withdraw ng pera ng buong Kamaynilaan. Ngayon marunong na akong huminahon, lalo na pagkasama ko si BebeKo.  Dinadaan ko na lang lahat sa biro tulad ng, ‘Hoy kalbo sa may unahan, dami naman nyang wini-withdraw mo.  Malakas ba kita sa pambubugaw?’.  Tinginan. Isang siko lang sakin ni BebeKo, tumatahimik na ako.  Improving naman hindi ba?  Sa Bebeko, sana lang wag kang magsawa sa ‘kin.  Sorry na.  Wink wink.  Darating din tayo sa pagbabagong ‘yan.

Ikaw, anong natutunan mo ngayong taong ito?  Sa pakikipagrelasyon, pakikipagbreyk, o kaya pagiging ‘single and blessed’?  Spill the beans yo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s