MALIKHAING IMAHINASYON

Ano ba ang gusto mong kuwento? Yung kuwentong kumikiliti sa imahinasyon o kumukurot sa puso? Naalala ko noong college, naging kontrobersyal ang isang koleksyong sinulat ko. Ayon sa mga mambabasa, maganda ang tema, malaman ang mga detalye at lumilikha ng malawak na imahinasyon. Sabi ng tatay ko, bastos daw ito. Hmmmm… Pero sa tingin ko, ito ay tipikal na kuwentong pag-ibig lang. Hindi ko na isip na mauunang masalat ang kanilang imashinasyon kaysa sa kanilang mga puso. Ang lathala na yun ay di lumabas sa kahit anong blogsite at social networking sites. Nandoon lang siya sa lalagyanan ko ng libro, may plastic cover ang kulay blue niyang cover. Sumulat din ako ng love stories na dapat kumirot sa puso, pero di ko magawa. Hirap kasing humugot ng sitwasyon sa isang bagay na di ko ganu naligid. Di ko naman sinasabi na malikot ang imahinasyon sa sa ibang bagay pero ang pagsusulat ng madramang storya ay di para sa akin. May nabasa akong storya sa opisina kanina. Di ko alam pero simple lang siya, may pinaggayahang kuwento pero patok pa rin. Nachallenge tuloy akong bigla na kompetensyahin ang storyang yun. Una kong naisip gayahin ko kaya yun pero sa ibang sitwasyon. Ayoko namang magmukhang gaya gaya. Pangalawa, love story pero (ayun ng sa isa kong ka BBM) masyado daw madrama. Kung susulat naman ako ng nakakakiliti sa isip, ok lang. Habang nag-isip ako ng maisusulat, naisip ko si Eya, Cross at Chad at ang season 2 ng storya nila (parang tv series lang, kailangan may book 2).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s