WALKING IN SNOW

Nais kong ibabad ang katawan ko sa ilalim ng araw ng matagal para maging kulay kayumangi ako. Nagspray ako ng katamtamang sun block. Naglakad ako sa tabi ng dalampasigan na suot ang bagong bili ko na swimming shorts. Napagtanto ko na sexy naman pala ako. May hubog ang katawan. Opppsss… Tama na nagiging iba na ang tema ng blog na ito. Dinadama ng mga daliri ko sa paa ang pinong buhangin. Malakas ang hangin. Nalimutan kong dalhin ang nagmamayaman kong sobrero. Tama lang ang dami ng tao kasi regular na araw. Parang ang tagal ko ng di nasisinagan ng araw. Hinayaan kong mabasa ng dagat ang aking malangis na katawan. Magkaiba ang temperatura sa ilalim ng tubig kasi ito’y malamig, malinaw. Lumangoy ako kahit di naman talaga ako marunong lumangoy. Sa aking pag-ahon, para akong si Marimar na may sigay na kwentas na tumatakip sa dibdib. Tapos umihip ang malakas na hangin habang ako’y paahon. At nagdesisyon na akong kumain.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s