VALENTINES DAY 2012

Mag-isa akong humakbang sa buhay na ito ng walang kasama. Walang anino sa aking tabi. Sanay na ako. Baka sabihin mo na malungkot ako, hindi. Paano ba ang malungkot? Di ko nga alam ang salitang iyon. Kontento na ako sa maliit kong mundo. Di ko alam pero may special sa araw na ito. Di ko alam pero tama ang sikat ng araw sa aking kuwarto. Tama ang ngiti ng aking mukha sa salamin pagtapos kong maligo. Tama ang sukat sa aking paa kasi maliit na ito sa akin. Para itong isang perpektong araw. Kakaiba sa aking natural na araw. Ito pala ang araw na papasok ka sa buhay ko. Oo. Binuksan mo ang lahat ng pintuan at bintana di lang ng aking pagkatao pati ang aking batong puso. Ikaw ang umangkin sa aking kainosentehan sa pag-ibig. Ang aking maliit na mundo ay naging galaxy na maraming bituin at planeta. Ikaw ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko ng sobra sobra. Ikaw na nag-aalis ng bugnot sa aking mukha. Nagsimulang lumipad ang aking isipan dahil sayo. Ang kontento kong buhay ay di na nakuntento. Pero lahat talaga may katapusan. Nilamon ng black hole ang mga planeta at bituin. Nadama ko ang lahat ng uri ng emosyon sa iyong pag-alis. Bigla ka na lang nawala. Di ko alam kung bakit pero nalungkot ako. Ito pala ang lungkot. Gloomy lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s