CHIKININI SA GUMS

Naniniwala akong di ako magaling humalik at konti palang nahahalikan ko. Minsan sa opisina habang break napag-usapan namin ang tungkol sa chikinini. Nagsimula lang ito sa simple topic na kissing na humantong pa sa ibang bagay. Sabi nila ayaw nila dito kasi madumi. Ang iba sabi ay tanda ng pagmamahal. Ang aking personal na experience (wow!), ang chikinini ay nawawala depende sa pagkakaintim or pagkakabrown nito. Ang mga medyo light mga 2 to 3 days lang wala ng ibedensya. Yung medyo darker 5 days to a week. Kaya kapag meron ka, wag magsiswimming at wag naman sa nakikita ng madlang Pilipino. Minsan, pinagtatakpan mo ito bilang allergy, rushes, o pasa. Well, madali lang talagang maispot-an ito. Di na kailangan ng scientific formula. Naisip ko lang tanungin kong anu bang bahagi ng katawan ang di pwedeng lagyan ng chikinini. Sabi nila talampakan at palad. Ngayon ko lang naisip na may qualification dapat ang parte ng katawan na dapat mong paglagayan ng chikinini. Pero di ko pa maisip kung anu ang mga yun. Merong isang bumanat na “pwede ka ngang maglagay ng chikinini sa gums”. Sabi ko “talaga?”. “Oo naman”. “Sige nga lagyan mo nga ako”. Napasubo ang loko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s