SADDEST BREAK UP SONG

Mga ilang araw na ang nakakalipas at magkasama pa kami ni Pam Calantuan sa isang call center, nasabi niya sa akin na kapag heartbroken ka, lahat ng song na maririnig mo para heartbreaking. Di ako naniwala sa kanya ng sabihin niya ito. Sa totoo lang tumawa pa ako. Pero ng nasaktan ako ng dahil sa pag-ibig di naman talaga ako umiyak. Kala ko matatag ako. Isang araw papasok ako sa trabaho ng magplay ang isang kanta na di ko inaasahang magpapaiyak sa akin. Ito pa yung panahon na ang ipod ay luho at ang blackberry ay para sa mayayaman pa. Gumagamit ako ng mp3 na touchscreen (sosyal ang touchscreen na mp3 sa panahong yun), nang biglang tunog ang In The End Remix (opo remix siya) ng Linkin Park. Di ko alam pero nalungkot ako ng sobra, nadama ko ang sakit at hapdi ng pag-ibig. Tumulo ang luha ko habang nasa FX ako. Puno pa ito. Wala akong panyo (di naman nauso ang panyo sa akin). Tinitingala ko ang ulo ko para mapigilan ang pagtulo ng akin luha. Tapos ang ginawa ko pa ay nirepeat ko pa siya. Self torture. Lesson learned: wag makikinig ng rock song kapag broken hearted para kapag may makarinig na tao di ka nila sasabihan na may saltik sa ulo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s