ANG MASALIMOT NA PAKIKIPAGSAPALARAN SA BUHAY PAG-IBIG NI RON RON

Sino ba ang nagsabi na kapag amoy tae eh may tumae na kaagad? Wala itong kinalaman sa buhay ni ron ron pero malaadventure ang kanyang buhay pag-ibig. Malasurvivor na kailangang makayanan at mala amazing race sa pagmamabilis. Isang ordinaryong lalaki lang si ron ron. Jake Cuenca ang hair style, Jericho Rosales ang labi, Piolo Pascual ang mga mata at malaBrad Pitt ang hubog ng mukha pero kapag pinagsama sama mo sila, di nagkocoordinate. Bata palang siya, naniniwala na siya sa pag-ibig na walang hanggan. Kaya ng natuli na siya, akala niya instant na darating ang love sa buhay niya kasi ganap na lalaki na siya. Pinalipas niya ang kanyang paghihintay sa pag-ibig sa pagbabasa ng mga Precious Hearts na pocketbook na hinihiram pa niya sa katulong nila. Sa pagkocross stich ng kabayo, book mark, mukha ni Harry Potter at isang balerina. Lagi siyang nagsisimba tuwing linggo para ipanalangin ang pag-ibig. Alam ng diyos na umaapaw ang pagmamahal sa puso ni ron ron. Hanggang sa isang araw dumating ang isang babae na alam niyang magbabago ng kanyang buhay habang buhay pero ang di niya alam na magbibigay din ito ng maraming pasakit sa kanyang life. ————-

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s