ANG HAPUNAN

Maaga akong dumating sa opisina. Maaga sa natural kong maaga na dating. Dahil nagugutom ako, pumunta ako sa pantry para tumingin kong ano ang makakain. Gulay at sandamukal na ulam na karne. Di ko alam kong ano ba ang mga luto nito pero meron isang ulam na parang bumubulong sa akin. Pilit inaabot ng aking smelling sense kung amoy masarap ba siya pero parang ang salamin na namamagitan sa amin ay pinipigilan na siyay mayakap ng aking pang amoy. Pero dahil siya ang unang pumansin sa akin so siya ang pinili ko. Nang inabot ng tindera ang ulam di ko akalain na tuyo siya. Parang 70 years old na babae na wala ng asim. Nagbayad ako at nagsimulang magtungo sa paborito kong lugar sa buong pantry. Malapit kasi ito sa binta, maganda ang ilaw at malakas ang aircon. Umupo ako at pinagmasdan ang mga tao sa lugar na ito, konti lang. Sinimulan kong kumain at di ko akalain na makunat ang karne. Kailangan kong idiin ng konti…konti pa…more konti ang paghiwa ng karne. Tagumpay! Manamis namis siya. Dumakot ang aking paningin sa grupo ng mga babae na tatlong mesa ang layo sa akin. Baka mga bago. Medyo makapal ang make up ng isa sa kanila! Parang nang nagsabog ng make up at Mac Cosmetic, inilagan niya at yung bakla sa parlor sa palengke ang sinalo niya na parang ginawa niyang artwork ng kinder ang mukha. Natawa ako doon ah. Natapos ko na pala ang kinakain ko. Palagay ko mahihirapan ang digestion system ko sa pagtunaw ng kinain kong karne kasi makunat pero naubos ko pa rin kasi maraming bata ang di nakakakain ng makunat na karne. Pero kung meron lang isa sa mga bata na yun dito sa pantry namin, bibigay ko na lang para at least mabawasan ng isang bata ang statistic nila di ba.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s