ISANG ARAW NA MAKULIMLIM AT WALA PANG SAHOD

Pangalawang araw ng umuulan! Sa mga ganitong panahon eh dapat matindi ang sikat ng araw. Plano ko pa naman sanang maglaba. So postponed muna siya. Habang kumakain ako ng agahan (or lunch), tumingin ako sa bintana. Madilim. Parang nasasakluban ng ulap ang buong Ortigas. Natatanaw ko ang mga tao sa baba na naglalakad na nakapayong. Gusto ko sanang umuwi sa bahay namin na bukod sa dahilang umuulan eh wala pang sahod. Normal na talagang maingay sa lugar ng aming trabaho na di naman talaga dapat. Sinasabi kasi na madedelay ang sahod. Hahaha! Pero alam ko naman na pwedeng di umaga lumabas ang sahod. ang nasa email namin, kapag ang sahod ay matapat sa weekend automatic Friday siya pero di sinabi doon na umaga siya lalabas. Limited na pera ko. Well, parang sumasabay lang ang ulan. Nagdadalawang isip pa rin ako kung kailangan ko pa bang maglaba o hindi. Sana pagbalik ko sa baba meron ng pera ang aking banko.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s