BICOL INVASION DAY 1

6:40 – flight from manila to naga. di ko inaasahan na sa isang profeller na eroplano ako sasakay. pangatlong beses ko ng sumakay ng eroplano. sa bintana ako nakaupo. mahina ang aircon ng eroplano. parang may umiihip lang. nakita ko ng nagsisimula ng umikot elesi. baka ma-final destination ako. smooth ang lipad namin, di maalog pero painit pa rin. paglapag sa Naga Airport, naexcite ako! first time sa Naga. walang escalator at elevator pero dalawang floor lang naman itong paliparan na ito. tapos ang mga bag namin ay parang relief goods na pinag-aagawan. nakita ko rin pala si Kian Cipriano. maliit lang siya na payat. parang sakitin. anyway, nakita na namin ang sundo namin na van. may ibang amoy ang van, amoy car fresher. well, van naman kasi. matagal ang travel time, nakinig lang ako sa aking ipod. nakikita na ang mt mayon habang kami ay naglalakbay. pagdating sa tabing dagat, di naman kasi siya port, may kakarating palang na bangka, meron silang kinakabit na tulay na gawa sa kahoy at plastic na drum. may sampung piso na bayad para tumulay sa tawirang yun. ang mga porter, binubuhat ang mga bagahe habang nakalublub sila sa tubig. panalo pa nga yung isang kuya kasi pinapasan niya yung isang sasakay sa bangka. mahigit isang oras ang paghihintay para sumakay ng bangka. ang masayang bahagi pa nito pinauna pa kami sa pila. may special treatment kasi.  pinabuhat na lang namin yung mga bag namin sa dalawang porter kasi mabigat talaga siya at ayoko namang mahulog siya sa tubig. nagpalit na rin ako ng tsinelas kasi baka mabasa rin ang sapatos ko. pangit ang buhangin pero may mga resort sa paligid nito. ang bangka ay walang matatawag na entrance papasok sa mismong bangka at sa mismong upuan. kailangan kang yumuko para makapasok sa upuan. ang upuan ay good for 3 person pero minsan apat ang kasya. matagal ang byahe sa bangka. parusa kung baga. di naman maaalon at maganda ang mga makapaligid na mga isla habang naglalayag kami. pagdating sa pantalan ng Caramoan ang bangkang sinakyan namin ay dinuktong sa isa pang bangka. challenge ito. nandiyan na ang welcoming commitee. tapos nagtricycle kami. ang tricycle dito ang cover ay kahoy na may tarapal. probinsyang probinsya na siya. dito namin nakilala ang aming tour guide na napakaentertaining. dumating kasi sa parang inn at ito ay parang lumang bahay na maganda na ginawang pahingahan ng mga manlalakabay. maganda ang mga upuan at ang kuwarto ay maganda rin. masarap mahiga at magpahinga. malamig din ang aircon. dapat magaisland hopping na kami pero pagod na ang katawang tao ko. naglakad lakad na lang kami sa labas at nakakita ng tanging ATM machine sa Caramoan. bumili rin kami ng mga souvenirs. pumunta rin kami sa isang matandang simbahan na may kulay orange na Jesus Christ. konting picture picture. bumili rin kami ng pinipritong manok sa kalye at masaya siya. pati ng fried isaw. pagdating sa kuwarto, naligo na ako at natulog. di na nga ako nakakain ng hapunan. pero masaya naman ang buong araw at ito ang unang beses ko sa isla ng Caramoan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s