BICOL INVASION DAY 2

nagising ako ng 2 ng umaga kasi maga-island hopping kami.pumunta ako ng banyo at habang nasa loob ako, nagfluctuat ang kuryente. namatay ang aircon at dui na muling nag-on. kala ko nga minumulto kami (o ako). nagkape na kami at dumating na yung tour guide. habang bumabyahe, malamig ang hangin, pasikat palang ang araw at ang ganda ng umaga. pagdating namin port, bumili kami ng pagkain. mahirap sumakay ng bangka kasi madulas ang hagdanan. maganda na naman ang mga tanawin. maganda ang pagsikat ng araw habang naglalakbay kami sa dagat. naexcite ako kasi pupunta kami kung saan naganap ang survior US, France at India. dahil di kami atat na mag island hopping, sabi namin sa dalawang pinakamagandang isla na lang kami dalhin. matagal ang byahe papunta sa unang isla. at maraming mga coral sa ilalim ng dagat. dumaong na kami sa unang isla at ang ganda ng buhangin, pino. picture  picture muna tapos langoy na. maraming isdang lumalangoy sa seashore. may tiger fish at dora fish. meron ding maliliit na starfish sa bato. umakyat pa ako sa bato para magpapicture. nang may dumating na bangka, umalis na kami sa isla at pumunta sasusunod. di kasing ganda ng una kasi maraming patay na corals, pero marami rin siyang iba ibang maliliit na isda. meron ngang flat na isda doon. tapos tumuntong na naman ako sa bata. meron pa ngang senaryo na may dumikit na halamang dagat sa paa ko at nagulat talaga ako. nang pabalik na kami ng port, nadami ng taong maga-island hopping. pagdating sa bahay, napalitan na nila ang sira naming aircon, nagalmusal at nagpalit ng damit at pumunta para magbayad para sa Caramoan tour namin. kung delibyo na ang unang sakay sa bangka, mas delibyo ang pangalawa. sa mismong butas ng makina ako nakaupo. amoy gas at amoy usok. masikip din siya. yung mga kasama nga namin sa ikalawang row ang paa ng driver ng bangka ay nasa mukha nila. hahaha! mas matagal talaga ang pabalik. puno rin ng mga beki ang bangka pero mainit pa rin siya. muntik pa ngang di makababa ang isa sa amin dahil tinanggal nila kaagad yung tulay na kahoy at drum. hahaha! meron pang panic mode. sakay ng van at diretso sa CWC. ang daming nagsisurfing. kala ko nga mag bangka doon na humahatak sa kanila para magsurf pero machine na lahat. meron pang pool doon na parang infinity pool at gusto ko sanang bumili ng surfing board kaya lang mahal. sobrang mahal. sunod naming pinuntahan ang Mt mayon. akala ko ng una na doon kami sa may nalubog na simbahan pupunta kaya nagtataka ako kung bakit paakyat ang way namin. sobrang taas na namin at tanay ang buong bicol. lahat ng dadaanan naming may bata ay kumakaway kaya nakakatuwa naman.pagdating sa lugar malapit sa butas ng Mayon, maraming tao. wala ring kuryente kaya di kami nakapagplanetarium. kumain muna kami bago bumaba. pagdating namin galing sa Tabaco City, kumain kami ng halo halo. kakaiba ang halo halong ito, kasi meron siyang keso. meron din siyang unlimited keso. sarap. tapos nagpunta na kami sa hotel namin. parang di naman siya hotel. mas mukha siyang motmot. tama lang, kain uli ng gabi sa bahay ng isang kamag-anak ng kasama namin. then balik sa motel then tulog. end of day two.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s