BURNOUT CALL CENTER AGENT

totoo na pitong taon na ako sa industriya ng pagtanggap ng tawag at pagtatawag. sa tatlong taon ko sa una kong kompanya, sa huling buwan ko lang doon ko naramdaman ang BURNOUT. ngayon naman nagmasaya naman ako sa aking kompanya na pinagtatrabahuhan. natuto akong uminum ng kape, matulog sa sleeping quarters dahil madaling araw ang pasok at di magehersisyo. kapalit ng malaking sahod ang isang stressful environment. para sa akin di naman stressful ang isang trabaho kong masaya ka sa ginagawa mo. dahil doon meron akong mga suggestion para mabawasan (mawala) ang stress natin.

1.tumigil na ako sa pag-inum ng kape kasi bukod sa dahilan na di ako makatulog ng maayos, nagpapadagdag pa ito sa highblood ko. kaya nagsimula na akong uminom ng tea. di naman kailangang mamahalin ang tsaa na iinumin mo at mas maganda pa ang magiging sirkulasyon mo ng dugo. siguro kung di mawala ang kape sa sistema mo, limit yourself for one cup lang. 2.limitahan ang sarili sa oras ng pagtatrabaho. alam kong nakakastress ang pagtatawag at pakikipagbakbakan sa mga masasamang kliyente. wag magtrabaho ng higit sa oras ng trabaho. matulog ng tama para sa masayang shift. di mo kailangang tumanggap ng mga trabaho na di naman para sayo. ika nga nila, delegation of work. 3.ang OFF/RD ay OFF/RD. wag gumawa ng trabaho kundi araw ng trabaho. wag nyong gawing topic ang ginagawa nyo sa trabaho kung di naman oras. maliban na lang kung 24/7 ang work mo. try to read a book, listen to music, magcrossstich at magkulay ng coloring book. masaya ang magrelease ng stress sa mga bagay na ikakasaya mo. 4.lumabas at maglakbay. masaya ang paminsan isang beses isang buwan na magbilad sa ilalim ng araw. maiiwasan mo ang pag-iisip sa mga bagay tungkol sa iyong trabaho at ito ang magiging paraan para madetoxify ang sarili mo.

pero ang pinakagusto ko sa lahat ay magpromote ng isang fun and happy environment sa work. always say good morning and maglagay ng ngiti sa iyong mga labi.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s