LOLA CORAZON: TEAM SAMURIA X TEAM BUILDING PART 2

nagsimula ang araw ko ng patulog na ang lahat. pagod na sila kakalangoy, kakaligo at kakainum. pagmulat ko ng mata, halos lahat sila ay nagsisimula ng matulog. ako bumaba para kumain at makipagkuwentuhan ng konti. tapos light off na ang lahat pero ako naglaro pa rin ng Temple Run. tapos mga alas dos, parang may tumitingin sa akin from a far. para akong character sa isang horror story tapos nagising na sila isa-isa. nakitakong humilik ang emotional snorer at magluto ng almusal si yaya. sabi niya nawawala daw yung Sinigang Mix, kamatis at mantika. sabi ko di ko alam kung naitapon ko siya or hindi kasi di ko naman alam kung basura ba siya or naiwang mga gamit lang. nasunog ang pinipritong hotdog ni yaya dahil nagdecide siyang kumain. pagdating ng ala sais, nag ayos na kami para maligo uli.

pero bago maligo nagpicture muna sa mga kalsada ng resort tapos tinangka kong sumakay sa balsa pero feeling ko lulubog siya. gumapang ako sa putik ng literal dahil ayokong lumubog sa tubig na maraming isda. idagdag mo pa ang mabahong amoy ng tubig. nagpalit ako ng  pangligo ko at naligo sa maligamgam na tubig ng pool. maraming mga bata sa adult pool. wala ring market. marami pa ngang eksena ang nasaksihan namin sa loob at labas ng pool. wala ring market, di siguro market day ang sunday. hehehe. pagbalik ko ng bahay bumili ako ng ice cream. walang lasa. malamig lang. kumanta lang ng kumanta habang yung ibang tao eh nagwowall climbing at zip line. di naman masaya ang zip line kasi maikli lang ito at kung sakaling mapatid ang lubid sa sapa ka ng isda babagsak. sobra na naman ng pagkain. pero palagay ko mas maganda ang sobra kaysa kulang. matapos magbanglaw, habang kumakanta mainit na. bago mag alas dose dumating si kuya van. hinakot na namin ang aming mga gamit at nagpaalam na sa LoLa Corazon Leisure Farm.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s