LOLA CORAZON: TEAM SAMURIA X TEAM BUILDING

nagsimula ang lahat sa isang pagpaplano, panunuod ng isang slide show pero di naman doon natuloy pero isang tao ang nagsuggest ng lugar na ito, ang Lola Corazon Leisure Farm sa Pampanga. nagplanong mabuti, nagrent ng van at  naglist ng pagkaining lulutuin. dumating ang araw ng sabado kung saan excited ako (at sila). nagpalit na ako ng shorts at handa ng lumarga. mainit sa loob ng van, di kami maabot  ng aircon. sadyang mainit lang siguro. matagal ang pagtitiis namin sa init, lumagkit na ang mga pawis namin at muntik na kaming ma-the road. dumating kami sa Lola Corazon na may pag-asang makakaligo na. amoy araw na kami at pawisan pa rin pero go pa rin kami sa pagkuha ng mga litrato. sabik sa picture picture. pumasok na kami sa bahay na nakalutang sa tubig. maraming isda. malaki at lugar pero gusto ko munang magpahinga. maliit lang ang kuwarto sa taas, mainit pa kasi mahina ang aircon.

naligo muna ako para mawala naman ang icky feeling. maganda ang banyo pero maliit. ilang beses na akong muntikan matalisod dahil sa sobrang taas ng nagdedivide sa shower sa toilet bowl. dahil ang mga kasama namin ay nasa palengke pa at kasalukuyang namimili, nagpasama ako sa canteen sa loob ng resort. kumain ako ng pork chop na may buhok!!! WOW! pumuwesto na ako sa isang kama para makatulog na ang aking katawan. nagising ako sa lakas ng ulan at lahat ng tao sa baba ay umaakyat sa taas dahil sa lakas ng angi ng ulan at tulo sa bubong. nagyaya silang magswimming pero deadma ako. lipat lang ako ng kama at natulog muli.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s