BICOL INVASION DAY 3 and DAY 4

late na kaming gumising ng araw na ito. gutom na kamin lahat at nagbigay na sila ng kape na magpapagising sa aming araw. nagkayayaan ng kumain. kain sa Jollibee tobaco. madaming tao sa Jollibee na ito sa oras na alas otso. mas marami ang spaghetti noodles ng C3 sa Tabaco. tapos nagpunta kami sa palengke para bumili ng bulaklak para ibigay sa mga ina at sa kaarawan. bumiyahe kami papuntang isang bahay para kumain ng breakfast. matamis ang tsokolate, masarap ang latik na may parang gatas yata.busog na busog na ako. pahinga lang ng konti at larga na uli. bumiyahe kami papuntang mayon. ito yung may simbahan na lubog dahil sa pagsabog nito. pagdating doon maraming mabibili. napabili tuloy ako ng tshirt, namakyaw ng mga lamps at bumili ng bag. sobrang mura ng mga bilihin. siguro kung may pera lang ako bumili pa ako ng bumili. nakita ko ang simbahang lumubog pero iba ito sa itsura na naaalala ko ng akony nasa elementarya pa sa itsura nito ngayon. barang mas malaki ang tore ng simbahan. di pa rin naman makita ang dulo ng mayon. natatakpan ng mga ulap. pagbalik namin ng bahay ay kinuha namin uli ang aming mga bagahe at nagtungo sa palengke at namakyaw ng mga pili, salted pili, macapuno at tart pili. dumeretso na kami sa resort kung saan gaganapin ang birthday party. malaki ang kuwarto na may maliit na aircon. isa lang ang saksakan para magcharge ng telepono at mga gadgets. naligo din kami sa dagat na itim ang buhangin. di ko naintindihan kung bakit itim ang buhangin nito. mabato siya kaya di ako ganu nag dagat. kainan blues na naman, pusit, isda, adobong pusit, crabs at laing na sobrang sarap. walang katapusang pagkain. doon natapos ang gabi. nagising ako ng ala una sa pagaakalang mga ala singko na. walang ingay ang paligid habang akong nagtetemple run. bumalik ako uli sa higaan at natulog. nagising ako ng ala singko talaga. nagkayayaang lumangoy pero pinili ko pa ring manatili na lang sa kuwarto namin. naglaro na lang ako ng temple run uli at nanuod ng House. pagbalik nila kumain kami uli. walang humapay na kainan. naghanda na para umalis. habang nasa sasakyan kami, nalaman kong wala akong salamin. nagdecide ang salamin ko na magextend ng vacation. hahaha! sabi nila na kung makikita ipapaLBC na lang. sana nga. nagcheck in na kami ng mga bagahe at kumain ng tanghalian. on time naman ang lipad namin pabalik ng manila. at di na ito maliit na aeroplano. mausok, parang may nagsisiga pero malamig ito. medyo maalog lang siya sa loob kasi maraming mga ulap pero masaya ang buong Bicol trip ko this summer.🙂.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s