HOUSE MUSIC

Nagising ako isang umaga, di dahil sa tilaok ng manok, sa katok ni nanay sa pinto o sa bango ng kape. Nagising ako dahil pumasok sa tainga ko ang isang musikang walang lyriko. Akala ko noong una, nananaginip lang ako. Akala ko yung ang background music ng malatelenovelang kwento sa panaginip ko. Nagsimula ng magising ang mga brain cells ko. Pilit na inaalisa ang tunog. Baka bagong kanta lang ito ni Britney Spears or Jennifer Lopez, pero hindi. Nagising na ang diwa ko. Habang nakapikit tinanong ko ang sarili ko kung bakit di pa kumakatok si inay sa aking kuwarto. Baka malate ako sa trabaho. Unti unting nanumbalik ang musika na kumapit sa aking eardrums. Dinilat ko ang mga mata ko. Saan nangggaling ang tunog? Sa mga tricycle ba na dumadaan? Sa kapitbahay ba? Nag-aadjust ang pupil sa aking mata para lubusang makita ko ang liwanag na pumapasok sa aking kuwarto. Mapayapang nililipad ng hangin ang puti kong kurtina. Lumakas lalo ang tunog. Puros beat! Napapaindak na ang aking dugo. Nagsimulang gumalaw ang aking hintutoro ang sumasabay na sa indak ng musika. Umangat na ang pantaas kong katawan at nakita kong umiindayog na ako sa tunog na aking naririnig. Binababa ko na ang aking paa tanda ng pagsisimula ng araw ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s