ONE LAST LUNCh SA THIRD FLOOR PANTRY

Isa sa pinakamalungkot na araw ay nang nalaman namin na magsasara na pala yung account namin. Tsismis na ito noon pa na pilit kong idinideny (kasi alam ko naman ang totoo). Lahat malungkot, may umiyak at syempre nagalit sa bansang umagaw ng trabaho na pinagbutuhan namin sa halos apat na taon. Naalala ko yun floating days na kung saan pumupunta pa kami sa Libis at Technohub (na di ko alam dati) para magpainterview kung saan saan. Inaamin ko, nagmagaling kasi ako doon sa Libis kaya di ako nakuha siguro pero yung sa Techno, buong puso kong sinagot ang lahat ng katanungan nila sa akin. Buti na lang kasabay ko sina Aries, Lea O at Klenz sa MRT kundi waley na ako. Hehehe! Naalala ko rin yung Basang Sisiw na peg namin ni Melody ng papunta kaming Libis. Hirap na hirap na kaming sumakay ng fx o taxi at basa na kami ng ulan. Ang ending namin, kumain na lang kami sa Mcdo malapit sa kanila. Kinabukasan pagkatapos naming magpainterview sa Techno para aa iaang card account, natanggap ako at apat pa sa mga kasama ko. Happy ako kasi di ko na kailangang magpunta sa office para sa attendance. Naalala ko na unang araw ng VA, umiingles na ako kaagad. Bukod sa mga nailipat halos kalahati ng klase ay mga new hire. Meron lang isang senaryo na di ko makakalimutan noong pinagrereport kami tapos nasabi ako ng CHOS! Kakahiya! Sa mga newbie si Bilog ang unang nag open up sa akin. Naikuwento na niya yata ang buong storya nilang mag asawa at may side trip pa na tito and nanay thing. Then i started to get to lnow the newbies more. Hirap lang makipagunicate kasi ingles. Sa Product Training, doon na nabuo ang pagsasamahan. Medyo na OP si Daddy Chet dahil sa mga rason na di ko pwedeng sabihin. Pati pala si Ron na mahilig magset up ng satellite at Ian na may insparasyon na kuwento dahil tricycle driver siya noon di umano na may limang anak. Then we meet our DM, Boss Dave and TL Carie nagaling sa isang close na account. Side thought lang, naalala ko noonh nasa VA pa, na iinterviewhin ako for QA position for the same account at di ako nakuha. Bagito pa kasi yung mga sagot ko. Ok lang pero sayang naman ang chance. Mahirap sa simula ang account na ito kasi merong pagkocompute na nagaganap dedma lang naman ako dinaan ko na lang sa commskill. Nagkaproblema pa kami sa Allowance na dapat na makukuha namin pero nadeprieve kami. Tatlong buwan din yun. Product Training Day One, nalate ako kasi ba naman 630am ang pasok. Hirap pang sumakay. Sa buong one month na product at mahigit one week na OJT, tatlo ang natanggal, si Daddy Chet, Lea at Ian (dahil sa mga di inaasahan metrics sa program). Sumunod di si Badet (nahuli lang siya lasi wala siyang log in). Masaya kapag nakaPOS ka kasi mabilis lang ang call, wala pang three minutes. Pag service, lahat ng uri ng call, salo mo. Nakaadjust din ako sa mabilis na pagkocall at pag analyze ng mga bill ng customer. Nais kong magpasalamat sa mga lunchmate, smokemate (kahit di ako nagsmoke) at minsan uwianmate, sina Mamang ( na ang nais ko lang ay magkaroon ng lovelife), Natalie ( na ang nais ko lang ay magkasexlife), Charm (nahaggard sa simula ng shift at mas haggard pag out), Noemi (sa ating mga lihim na kalokohan na tayo lang nakakaalam), Khris( nakasabay ko lagi papuntang Anonas, Tony ( na lagi kong niloloko na merong third child), JC ( na nahihiya na katabi ako kasi ang bait ko daw magcall tapos siya nag iirate). Kay Queenie (na lagi ko na lang binibiro pero i know this girl will make big time, IKAW ANG BIGATEN!) at kay Mommy Mar (ingatan ang kalusugan) na kahit sandali lang tayo nagkasama, naging parte kayo ng buhay ko (naks!). Kay Joanne na lagi naming tanungan kong may survey na ba kami, nagkoconfirm ng mga chismis sa floor at outside sa floor at sa pagpiprint ng mga payslip ko, thank you ( and please po wala akong gusto kay Norman). Kay Ching na lagi kong pinagtatanungan kaysa magsearch sa tool namin at binibigyan ako ng mataas na W3 scores. Sa mga bagong add sa team namin bago umalis, lalo na kina Malou, Lane, Ces at Edward, magkikita pa rin naman tayo soon. Sa lahat ng tao na dumaan sa halos tatlong taon kong paninilbihan sa ex company ko, hangad ko ang tagumpay nating lahat, pag ibig sa ating mga puso, marami pang pera at maraming salamat at hanggang dito na lang.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s