MY EXPERIENCE WITH THE MAN OF STEEL

(Babala: hindi po ito mga sexual encounters ko sa isang matangkad at machong lalaki. Di po ito bastos).

Di ko magpagkakaila ng una kong mapanuod ang trailer ng Man Of Steel, di ako naexcite. Parang nagkukuwento lang kasi. Pero ng mapanuod ko yung trailer na may kalaban siya, naexcite na ako. Mga ala siete na kami dumating sa MOA para manuod ng Man Of Steel (title ng new Superman movie). Mahaba ang pila at walang ibang palabas kundi yun. Sa sampong sinehan (kasama na yung mga mahal) ay lahat jampack! Mga 7:19 palang nakapila na kami para sa screening ng 8:20. Haba ng pila much. Walang trailer puros advertisement lang. Hahaha! Halatang maraming negosyante ang nagpapaadvertise. 2D lang pala kami kasi yun 3D at IMAX at yung director’s choice puros gabing gabinna simula. Maganda naman ang napuwestuhan namin salamat kina Leah at Pinsan. Sa palagay ko ito ang unang pagkakataon na pinakita kung paano nagsimula talaga si Superman. Mula sa ninuno hanggang sa napadpad siya sa Earth. Pinakamalapit sa talagang istorya. Di ko lang alam…. Spoiler Alert… Stop reading kung ayaw nyong malaman… Pero talaga bang nauna pang malaman ni Lois Lane na si Superman sa story. Hmmmm! Baka alternate universe ito. I must admit na lula much ako sa effects and sounds (kahit natutulog si bebe sa sinehan). Ang lakas nga lang niyang maka Avengers, sobra! Yung ginawa ng Avengers, nagawa lang ni Superman at ng isang kalaban, di ba? Astig! Nice din na di kailanman napunit ang custome ni Superman kahit anong balibag ng mga kalaban niya sa kanya. Medyo ang lakas lang makavideo game type ng graffics pero masaya naman ako sa kanya.😀 at tsaka doon sa nagsabi na may post credit, ginogoogle ko na pagtapos ng movie, wala daw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s