ULIT ULIT

Maraming mga bagay sa mundo ang pwede kong itanong sayo, pero habang nakaupo tayo at nagkakape, paulit ulit nagrereplay sa aking memorya ang mga nangyari. Ayoko na saan alalahanin pero meron yatang repeat button na napindot sa utak ko. Kung pwede lang lunurin ng beer ang nakaraan at pagkatapos ng hang over, malilimutan mo na ang lahat, better. Gusto ko sanang tignan ka habang sumisipsip ng kape mula sa tasa pero mas pinili kong lumingon sa labas. Naramdaman ko ang sinag ng araw na tumama sa kanang kong mata pero ok lang. Tinamong mo ako kung anong gusto kong mangyari. Di ako sumagot kaagad dahil lumilipad ang utak ko sa labas ng cafe shop na ito. Nag ring ang telepono mo. Di mo nakuhang magsabi nasasagutin mo lang ang tawag dahil importante ito. Hello! Sabi mo pagkasagot mo ng telepono. Tumayo ka at lumayo ng bahagya mula sa kinauupuan mo kanina. Nilingon kita ng umalis ka. Inisip ko na di ka na babalik. Inikot ko ang aking paningin sa buong cafe shop. Merong lalaki sa dulong bahagi na nagbabasa ng libro, sa kaliwang table naman ay magbabarkada na malakas magkuwentuhan at ang mama sa harap ko, palagay ko nakiki internet lang. Dinampot ng kamay ko ang tinidor at humiwa sa cake na kanina ko painorder. Walang lahat sabi ng mga tastebuds ko. Hinanap ng mga mata ko siya na kanina ay nasa may pintuan pero wala na siya doon. Sinaktan na naman ako ng pagkakataon kasi hinayaan kong saktan ako. Lumingon na lang ako sa labas at hinayaan kong mabilad ang aking mata sa liwanag ng araw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s