2013 YEAR ENDER

di ko akalain na ang 2013 ay isang magiging espesyal na taon para sa akin. Di ko naman sinasabi na ang 28 taon na nagdaan ay espesyal. Maraming mga bagay na masaya at malungkot ang mga nangyari. Itong taon na ito una akong lumabas ng bansa. Nagpunta ako sa Malaysia kung saan nagbackpack lang kami. Pinakamainit na temperatura. Maganda ang Petronas Tower. Bumiyahe kami sa bus papuntang Singapore. Masaya sa Universal Studios at ang mga train stations nila. Ilang buwan ang nakalipas, pumunta kami ng Thailand, kung saan backpacking uli ang ginawa namin, bansang punong puno ng kultura, templo at Family Mart na nagbebenta ng Big na parang Fanta. Di rin namin kinalimutan ang ilang lugar sa Pilipinas kagaya ng Tagaytay kung saan sumakay kami ng Asia’s Largest Perrys Wheel, Pangasinan kung saan nandoon si Effy at ang kanyang pamilya, Tarlac kung saan nandoon ang Isdaan at Taksiyapo. Lumipad din ako kami patungong Iloilo kung saan naiwan ng kasama ko ang ATM niya at sobrang lalayo ng mga pwedeng pasyalan. Nagbangka kami papuntang Guimaras at kumain ng maraming pagkain na may manga. Lumipad din kami papuntang Cebu. Naglakbay kami sa mga lugar na di pa namin napuntahan kaya masaya kami. Itong taon na ring ito lumisan ako sa IBM kung saan naging masaya ang panamalagi ko kahit masyado akong napapagod sa byahe dahil sa layo. Lumipat ako sa SPI Global kung saan ang original na account natin ay nagsara at nalipat kami, masaya ako ngayon kasi malapit lang ito sa akin. Nagpapasalamat ako dahil walang masamang nangyari sa aking pamilya o anu pa man. Lumisan ang lola ko sa tuhod dahil sa katandaan. Nagpapasalamat ako dahil merong mga taong patuloy na nagmamahal sa akin. Alam ko na ang susunod na taon na magiging maganda at masagana at punong puno ng pagmamahal lalo na maraming mangyayari sa 2014. Cheers to the new year!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s