SLURPEE, BINGO BONANZA AT SI BELLE

Huling araw ng Mayo at kaarawan ng isa namin kaibigan kaya kami ay bumiyahe ng mahigit dalawang oras para sa selebrasyon niya. Naeexcite ang kasama ko dahil sa selebrasyon na yun ay may pabingo at sa buong buhay niya di pa siya nakakapagbingo. Umikot ang lalagyanan ng mga bola at isa isang tinawag ang mga letra at numero. Unang round palang nanalo na ako ng timba na may basket at basahan. First time yun. Sa ikatlong round nanalo naman ang kasama ko, beginner’s luck nga naman. Ang napanalunan niya ay basurahan na may kasama na dust pan at basahan (kaya maraming basahan kasi tatlo isang daan). Matapos ang kainan at kantahan nagkayayaang bumili ng Slurpee sa bagong bukas na 711 na malapit din sa bahay nila. Pagdating namin doon maraming tao. Ito ang IN place ngayon sa lugar nila at nagkakaubusan ng Slurpee! Excited pa mga tao kasi bago sa panlasa ng ilan. Parang sarap magpaaircon sa loob at magobserba sa mga tao doon. Makalipas din ang isang araw, hapon kinabukasan, nang pauwi na kami. Habang nagpapaalam na, biglang umalingawgaw ang hikaos ng isang aso nagaling sa ilalim ng aming sasakyan. Naipit yata siya kaya iyak ng iyak. Pasira nga siya ng moment namin. Medyo nasaktan ang lower part ng katawan ng aso at sana umabot pa siya sa susunod naming pagbisita.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s