SELF-PAIN

“Kung di ka na masaya sa relasyon nyo, palayain mo ang sarili mo. Wala naman sigurong tanga ang magtutusok sa sarili niya ng karayom at magsasabi na di masakit di ba?” – Chito Ang

20140707-203334-74014469.jpg

Minsan, kapag umiibig tayo, di natin maiiwasan na maging tanga. Iniisip pa natin minsan na “you and me against the world” na linya ay ginawa para sa inyo. Pero paano kung binabalewala ka na niya? Sinasaktan? Pinapaiyak? Kailan mo ba talaga ang relasyon na nagpapalungkot sayo? Dapat sa isang relasyon, walang naiiwan. Dapat sabay kayo sa lahat ng bagay. Iniisip ng isat isa ang hinaharap na magkasama kayong dalawa, hindi pwedeng selfish ang love. Hindi ka dapat sinasaktan mapapisikal man o emosyonal. Nandyan kayo para alagaan ang bawat isa. Kung gusto nyo lang palang masaktan eh kumuha ka na lang ng hollow block na ipupukpok sa ulo mo. Minsan, okay lang naman ang umiyak. Dahil matapos ang iyakan ay churvahan. Ang pag iyak dapat masaya ka kagaya ng sorpresa sa mahahalagang araw sa buhay nyo. Kasi kapag umiyak ka ng di masaya, magsisisi ka kasi sasabihin mo sa sarili mo na ginawa mo naman ang lahat pero kulang pa rin. Di ka naman dapat nagsisisi sa kahit anong bagay na ginawa mo. Malaki ka na, alam mo na ang tama sa mali. Di ka na bata para pagsabihan ng magulang mo. Kung di ka na masaya, matutong kumawala. Wag mong sayangin ang panahon mo sa iyakan at pag iisip na maghigante. Di telenobela ang buhay mo. Di rin yan reality show na pinapanuod ng lahat ang bawat galaw mo. Buhay pag ibig mo yan, di ng kung sino pa man.Kung di ka na masaya sa relasyon nyo, palayain mo ang sarili mo. Wala naman sigurong tanga ang magtutusok sa sarili niya ng karayom at magsasabi na di masakit di ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s