GONE

“Pahalagahan mo ang lahat ng taong nakapalibot sayo at ipaalam mo sa kanila. Kasi kapag wala na sila di na nila maaappreciate yung status mo sa mga Social Media Accounts mo.” – Chito Ang

20140709-203617-74177583.jpg

Itong mga nakalipas na araw, nalungkot ako sa balitang pagpanaw ng isang tao na kahit kailan di ko pa nakita ng personal o narinig man lang ang boses. Nalungkot ako kasi masyado pa siyang bata pero wala na siya eh. Bigla kong naisip kung gaano kaikli ang buhay. Bigla ka na lang kukunin ni Papa Jesus na walang sabi o kaya makapagpaalam ng maayos sa mga mahal mo. Di ko alam pero, kung nangyari ito sa isang miyembro ng pamilya ko, kaibigan ko o sa aking mahal, di ko alam kung ano ang gagawin ko. Palagay ko titigil ang mundo ko at bibitawan ko ang lahat. Kukumbinsihin ko ang sarili ko na panaginip lang ang lahat. Hindi ko man lang naisip na darating ang panahon na isa sa kanila di ko na maririnig ang boses, di ko na makikita sa normal nilang ginagawa o may nagsasabi sa akin na mahal niya ako araw araw. Alam ko na lahat ng bagay magpapaalala sa kanya. Ultimo nga kanta sa radyo kahit gaano kajologs o karock, parang pinariringan ka. Kaya ako, lahat sila pinahahalagahan ko. Lalo na ang ga magulang, kapatid at ang mahal ko. Sinisigurado kong lagi akong nandiyan at kausap nila kasi kapag nasa kalangitan na sila, yung status ko sa mga social media accounts ko ay di na nila maappreciate.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s