#CHICKENSAD AND OTHER FASTFOOD SAD STORIES

IMG_6872.PNG
Itong mga nakaraang araw, alam naman natin na nagkukulang na talaga ang supply ng Chicken Joy. Sabi nila dahil daw sa truck ban sa Manila, o dahil sa chicken diseases na kumakapit sa mga manok na inaangkat nila sa China or meron silang system update kaya may ibang branches ng Jollibee na nagsara. Two weeks ago, sinubukan kong umorder ng Chicken, wala daw. Ok #chickensad talaga ang hashtag ko para dyan. After a week, meron ng chicken pero mukhang malungkot ang pagkakaluto. Hindi typical na mabalat at juicy. Parang manok na nabibili lang sa palengke a few steps lang sa kanila. Other day, gusto ko ng chicken spaghetti meal, wala namang spaghetti at burger, chicken lang meron. So umuwi akong #chitosad. Kanina, kakain kami dapat sa Mang Inasal which is a sister company of Jollibee, walang tao sa store and wait time para maluto ang chicken 30 minutes! Huwat! 30 minutes for the inihaw na chicken at wala pang tao nito ha. Kaya pala puros sisig ang order ng ibang kumakain kasi yung ang available na mabilis lutuin. Lipat kami sa Chowking na sibling din ng Jollibee. Bago kami umorder meron ng nakasulat sa counter na nagsosorry kasi meron daw silang mga meals o food na di available. Ok so lahat sila, sabay sabay nagkakaroon ng #chickensad problems. Domino effect kumbaga. Pero tama nga naman si Erap, bakit ang Mcdo or KFC walang problema sa chicken? Baka naman kasi sa ibang supplier sila kumukuha. Di naman pare parehas ang lahat ng mga chicken ng mga fastfood. And for me, Chicken Joy is still the best at sana ito’y temporary lang.šŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s