A COFFEE SHOP STORY PART 1

Dumating ako ng labindalawang minuto na mas maaga sa napagkasunduan. Hindi ganun kadami ang tao sa loob ng isang kapehan sa may Boni na aking natanaw mula sa salamin. Badyang hahawakan ko na ang pintuan ng bigla na lang itong binuksan ng guwardya mula sa loob. “Good Morning Sir.” bati niya at sabay akong ngumiti. Dumiretso ako kung saan nakapila ang grupo ng mga babae na nagtatrabaho sa isang banyagang kumpanya sa gusaling ito. Inusisa ko ang kanilang menu na nakasabit sa dingding sa likod ng counter para malaman ko kung ano ang uorderin ko. “Mocha?” “Chai Tea?”, para sa isang kagaya ko na di mahilig magkape, di ko alam kung ano ba ang pagkakaiba ng lasa ng bawat isang kape sa listahan sa Blend 45 na nabibili ko sa halagang sampung piso sa tindahan sa pangalawang kanto mula sa amin bahay. “Yes Sir?” Tanong sa akin ng kumukuha ng order. “Ah… Yun caramel na large.” ang tugon ko. “Hot or cold?” ang sunod niyang tanong. Nalito ako dahil ang alam ko lang sa kape ay mainit. “Hot.” “What size sir?” muli niyang tanong. “Small lang.” “Tall Size?” “Small lang.” ulit ko uli. “Yun po yung pinakamaliit” sagot niya na parang iritable. “Oo yun nga” “one hundred sixty five”, inabot ko ang bayad, bukas ang counter ng pera. Nabilang siya ng sukli at iniabot sa akin. Nang akma na akong aalis, muli siyang nagtanong “Sir your name for the cup?”. Napaisip ako kung bakit kailangan niyang kunin ang aking pangalan. Baka naman tipo ako nitong kahera. “Allan” sabi ko na pangalan ko at tinignan ko ang pangalan niya sa isang maliit na name tag na nakapin sa damit niya. “Shandra”, binasa ko sa isip ko. Ngayon ko lang nasagupa ang “Shandra” na pangalan. Tumawa ako sa aking isipan. Yung malakas na malakas hanggang mabulabog ang buong cafe. Pero tumigil ito ng napagalaman ko na sa akong isipan ko lang ako humahalakhak. Umalis ako at pumunta sa medyo dulo ng counter para hintaying ang kape kong mas mahal pa sa dalawang mainit na kanin, dalawang kahating ulam, mainit na sabaw, pasahe sa jeepney at kendi ko kahit pagsama samahin mo pa ang presyo ng mga yan…. TO BE CONTINUED😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s