A COFFEE SHOP STORY PART 2

Narinig kong tinawag ng barista ang aking pangalan. Agad akong pumunta sa counter para kunin ang inorder ko. Iniabot ko ang resibo kasabay ng kape. “Do you still need the receipt?” tanong sa aking ng babaeng barista na parang mula sa isang toothpaste commercial. Sandaling naglaro sa aking isipan kung meron bang kamera na nakatago at narerecord na maala reality show na napapanuod ko sa tv. Umiling na lang ako. Naghanap ako ng upuan na pwedeng upuan. Di ganu punuan ngayobg araw na ito kasi wala pang sahod. Pinili ko ang mahabang upuan na may foam para malambot na upuan. Humigop ako sa aking inumin, regular lang siya, walang espesyal. Nasa ibabaw ng aking pagkatao ang ilaw, parang senaryo sa isang krimen kung saan ang akusado ay pinapaamin sa kanyang kasalanan. Sa harapan kong lamesa ay merong nagmemeeting. Nagbebenta yata siya ng insurance o ng condo, di ko alam. Sa di kalayuan ay may mga magkakaibigang maingay na nagtatawanan. Isang inumin para sa ilang oras na pagtambay. Aba, dapat lang talagan masulit ang presyo ng inumin na binili ko. Bukod pa doon sa kapeng mahal, pwede ka ring magcharge ng mga gadgets mo at gumamit ng laptop na may unlimited na kuryente. Siguro naiisip din ng ibang tao na mas tipid ang bumili ng mamahaling kape at kuryente nila kaysa sabay ka gumamit. Tinignan ko ang relo kong kulay pula, elsaktong oras ng pagkikita pero wala pa rin ang aking katagpo. Naglibot uli ang aking paningin. Nahalina ang aking mga mata sa ilaw na kumukutikutitap sa malapit sa banyo kasi mapupundi na yata na ito. Nang narinig ko ang boses ng guwardya na bumabati ng good day sa isang bagong customer. Parang nasa slow motion ang lahat ng umikot ang ulo ko at napatitig ako sa kanya. TO BE CONTINUED…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s