A COFFEE SHOP STORY LAST PART

Parang may hangin na umiihip sa kanyang buhok at may sinag ng araw na tumama sa kanyang mga mukha. Biglang sumingi sa aking pang amoy ang kape na tinitimpla ng barista. Dumiretso siya bayaran para umorder ng kape. Ang aking mga mata’y di ko macontrol sa pagsunod. Ito ang ilang sandali ng buhay ko kung saan ako nagkaroon ng ilang minutong relasyon sa isang estranghero. Sa isip ko nakapagpakilala na ako, nakipagkuwentuhan, nanligaw, naging magjowa, nagyakapan, naghalikan, nag niig, nagpakasal, nagkapamilya… Sandaling katahimikan. Ilang minutong relasyon. Kinuha niya ang inurder niyang kape, umikot na parang trumpi at tumigil at dumiretso sa lamesa ng ilang babae na siguro ay kaibigan niya. Sa isipan ko at sa ilang minuto na yun, alam kong naging aking siya. Lumagok ako sa kapeng malamig at minumog sa aking bibig ng pasimple para di mapansin ng ibang tao. Tumayo ako at dinampot ang walang lamang baso. Dumiretso sa pintuan palabas. Tinapon ko sa basurahan ang baso at tuluyang umalis. Sabi ng guwardya “thank you sir for coming”.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s