CONFESSIONS OF A NON WORKING HOUSEWIFE

IMG_8175.JPG

“Alam mo ang suwerte mo kasi di ka nagtatrabaho. Sa bahay ka lang”
Yan ang madalas na sabihin ng aking mga kaibigan kapag nalalaman nila na di ako nagtatrabaho at nasa bahay lang ako. Feeling ko kasi ng past life ko, home maker ako. Linis ng bahay, laba, grocery, siguro minsan gardening o kaya naiisip ko naghanda na babaonin ng mga anak ko pagpasok sa iskol, hatid at sundo pati mga pagdalo ng mga PTA at book club meetings. Domesticated lang talaga ako. Pero alam nyo, di naman talaga masayang maging HOUSEWIFE lang. Naalala ko pa dati na kapag nagkocoaching kami ni TL Honey (Team Leader ko sa unang company na pinagtrabahuhan ko) kung ano ang pangarap ko sa buhay. Dalawa lang ang sinasagot ko sa kanya, maging QA (na di pa rin nangyayari hanggang ngayon) at maging HOUSEWIFE. Yes, you read it right, HOUSEWIFE! Masasabi ko na masaya naman akong maging taong bahay, mag ayos ng mga bagay bagay na kadalasang ayaw gawin ng partner ko at nakakapanuod ako ng mga palabas sa tv nahinahabol ko dati. Pero syempre namimiss ko rin naman ang gumastos at bumili ng mga bagay na gusto ko gamit ang sarili kong pero unlike ngayon matumal siya. Nakakaboard na rin palang manuod ng mga US series at mga koreanovela. Siguro kung naginvest ako kagaya ng pag aaral magmaneho, pagbibake o kaya pagkatuto ng ibang lenguwahe, magiging masaya siguro kami. Hahaha! Aamin ko na mas pumayat ako sa Housewife stage of my life kaysa ng nagtatrabaho ako (at wala pang exercise yan ha). Pero i need to think about my future din pala. Di pwedeng lagi na lang akong magdidilig ng mga uhaw na halaman, maghuhugas ng pinagkainan at mag iimpake kapag maglilipat, in short, ayoko na rin sigurong maging api parang si Nora Aunor. Nakakabored din pala ang paulit ulit na ginagawa. This boredom needs to end… Soon….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s