AKO SI TIYA JABELLA: ANG ADBENTYUR SA PAGKAIN SA MAJAYJAY LAGUNA

IMG_8200-1.JPG

“Hindi ako foodie, mahilig lang talaga akong kumain.” – Chito

Sino bang gustong magsulat kaysa sa kumain? Sigurado akong mas masarap mapunan ng laman ang tiyan kaysa maglabas ng ideya sa papel. Ito ang unang beses na magsusulat ako sa isang kain at di ko alam talaga kung paano ko siya sisimulan. Pwede ko kayang sabihin na ang hamburger nila ay mas masarap sa hamburger sa kabilang branch. Hahaha! Tandaan, di ako isang bihasang manghuhusga ng pagkain pero kapag masarap ka, babalikan kita (parang malaswa ng konti yun ah). Jabella, isa itong kainan na malapit sa simbahan, paaralan at medyo sa sementeryo.Di naman namin naisip na dito pumunta ng mga kasama ko kasi meron kaming unang pinuntahan pero di nila feel kaya lumipat kami. Nang makita ko yung harapan ng Jabella sa Majayjay Laguna, kala ko Salon (kala ko nga may nagpapa foot spa sa may salamin ng di pa kami pumapasok).Hahaha!

IMG_8199.JPG

Madami na ring kumakain sa lugar na ito, mga estudyante, nagsisimba at medyo marami ng kami’y nagpunta. Napansin ko agad na ang may ari ng kainang ito ay mahilig sa Mickey Mouse. Mula sa pitsel, baso, display sa dingding at pati mga deform na stuff toys meron. Kuwela din yung mga maliliit pero komportable (mabigat din pala) na mga upuan at lamesa. Mukha siyang cafe kaysa sa kainan.

IMG_8197-0.JPG

Regular menu din ang sineserve nila sa lugar kagaya ng burger, fries, pasta, drinks, pizza, kape at mga silog. Tagpuan din pala siya ng mga magbabarkada na gusto lang magpalipas ng oras. Ang buong menu nila ay makikita sa isang board na sinulat sa chalk at yung iba nasa mga frames sa gilid. Nag order kami ng hotdog, carbonara, Hawaiian Pizza, potatos wedges at hotdog on stick. Sa drinks naman ay regular lemonade at pink lemonade.

IMG_8195.JPG

IMG_8194.JPG

IMG_8193.JPG

Isa sa mga bago nilang drinks ay yung Pink Lemonade na sobrang asim pero nasa wine glass kaya winner siya for me. Yun regular lemonade naman matamis kaya panay dagdag namin ng tubig. Hahaha! Hotdog in stick ay gaya tin ng ibang hotdog na may mayonaise at ketsup. Amazing playing for the carbonara at masarap naman (sabi ng kasama ko meron nga lang siyang green peas pero alam ko dapat meron). Isa din sa bagong pagkain nila ay yung wedges na ok naman siya kung di lang maanghang ng sobrang konti lang naman.

IMG_8196.JPG

Huling dumating ang pizza kasi ito yung pang main dish. Good for four na siya kung tigdadalawa lang kayo pero kung kaya mo naman siyang lantakan ng mag isa ok din. Masarap siya! Ang sarap ng cheese at malambot ang tinapay. Para sa inyong budget, para sa akin ok naman ang presyo niya kung gusto mo ng comfort food lang pero sabi ng kasama ko mahal naman daw ( at galing yan sa isang taong maraming pera ha). Its really nice to eat good food sa mga lugar kagaya ng Majayjay Laguna.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s