KAPE AT STICKER PARA SA PLANNER

IMG_8226-0.JPG
Di ko alam pero marami talagang tao ang baliw na baliw sa pag inum ng Starbucks coffee at isa na ako doon. Kahit medyo mahal siya kaysa sa 3 in 1 coffee na mabibili sa iyong suking tindahan, parang automatic na kailangang may nakareserve kang pera para sa establishementong ito. Kapag ganitong malapit na ang pasko, talagang nag aabang ako kasi naglalabas sila ng sosyal na planner para sulatan mo ng mga plano mo sa darating na taon. Pero bago mo masulatan ang mapanghalinang papel at mapicturan sa bawat angulo para maipost mo sa iyong social media accounts (para maipagmalaki mo sa mga kakilala mo), kailangan mo munang mangolekta ng labingwalong stickers para mapasakamay mo ito. Alam ko naman na may portion sa kikitain nila ang mapupunta sa charity at yun ay mabuti kasi di lang luxury ang kinakatawan ng pagbili mo sa isang mamahaling kape at status symbol ang magbibitbit ng pinakabagong planner. Pagtungtong palang ng huling linggo ng Oktubre o unang linggo ng Nobyembre, lahat halos ng tao nagpapaunahang mapasakamay nila ang minimithi nilang planner. Kung ang pag inum at paghawak ng kape ng starbucks ay nagdedikta ng status symbol, ang pagkakaroon ng planner ang nagsisilyado nito. Diyos ka ng mga nagkakape (bukod sa magiging amoy kape ang hininga mo at kung may high blood ka, tataas ang BP mo).Aaminin ko na halos wala akong taong sinayang sa pagkolekta ng sticker (tumulong sa foundation nila) tatlong taon na ang nakakalipas kasi gusto ko sila, nakakaexcite kasi. Kung kaya lang ng pera ko na kolektahin ang apat na uri nila ng planner, gagawin ko pero kulang sa pera kaya yung pinakagusto kong kulay o minsan design ang pinipili ko. Iba kasi ang balpen na ipangsusulat mo sa mga out of this world papel ng bawat pahina ng planner. Parang magkakatotoo ang mga plano mo sa taong yun. Parang nagbibigay ng inspirasyon. Hahaha! Weird pero palagay ko may katotohanan. Habang nagsusulat ako nito meron na akong isang sticker at labing pito na lang at meron na akong planner (at sigurado akong makikita mo ito sa lahat ng social media account ko kasi lilitratuhan ko siya hehehe).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s